••EP ③① (part2)••

9K 247 8
                                    


(Bonzo's mansion)

Marahang inilapag ni Solomon si Emerald sa balkunahe ng silid nito.

Seryoso parin ang impresyon ng lalaki at halos hindi na ito nagsalita pa mula nang magbago ang aura nito. Ngunit hindi mapigilan ni Emerald ang sarili na mag tanong sa lalaki.

Tumalikod na si Solomon upang umalis sa silid nito.

"Maaari ko bang malaman kung ano ang gumagambala sa'iyo??" Mahina ang tinig nito sa'pagkat may takot itong baka mabaliwala ang kanyang tanong.

Napalingon ang lalaki at binigyan siya nito ng isang malamig na tingin sa seryosong impresyon. "Paumanhin ngunit, sa ngayo'y wala kapa sa pusisyon upang malaman ito. Hangang sa muli." Malamig rin ang tinig nito tsaka tuluyang lumundag mula sa harang ng balkunahe.

Sa pagbagsak ni Solomon ay dali-dali itong naging mga paniki.

Tila napuno ng bigat ang damdamin ni Emerald. Bumaon sa isipan niya na wala pa itong karapatan sa lalaki. Ngunit higit pang kumurot ang damdamin niya nang maalala ang pangalang Red.

Marahan niyang ginalaw ang isang kamay nito at itinapat sa kanyang puso at kinusot ng mahigpit ang damit sa tapat nito. Tila pinipiga ang kanyang puso. Hindi ito makapaniwala na sa maikling panahon pa lamang niya nakikilala ang binata ay tila iniibig na niya ito. "Why..?" Iyon lamang ang tanging bulong niya sa hangin.

••••

Sa silid ni Kael ay dali-daling pumasok isa-isa ang mga paniki ni Solomon. Nagtipun-tipon ang mga ito sa isang lugar, mula sahig paangat. Nang mabuo ay mabilis rin itong naging katawang laman ni Solomon.

Nang tuluyan na siyang nakabalik sa anyo nito ay dali-daling niluhod ng isang lalaki ang isang tuhod nito at yumuko sa kanyang harapan.

"Lord Phantom, paumanhin sa aking maagang pagbabalik.." Sambit ng lalaki.

Hindi ito ininda ni Solomon. "Kael, ano ang dahilan ng iyong maagang pagbalik??" Sambit nito sa'pagkat kahapon lamang sila nagkahiwalay at nagkasundo ni Kael.

Itinaas ni Kael ang ulo nito at sinagot ng may galang ang kanyang Hari. "Sa aking pananatili sa inyong Kaharian ay nakaramdam ako ng isang malakas na aura ngunit huli na ang lahat bago ko pa maiparating sa inyo ang mensahe. Ang malakas na aurang ito ay mayroong kakayahang linisin ang ano mang mahika sa kapaligiran dahilan upang biglaang mawala ang inyong katawang replika." Yumuko muli si Kael bago nag patuloy sa kanyang sinasalita. "Sa aking palagay ang malakas na aurang ito ay pagmamay'ari ni Bonzo. Hindi lamang iyon, kalaunan ay nadama ko rin ang presensya ng kamatayan.. natitiyak kong ito ay si Garbora." Pagtatapos ni Kael sa kanyang pagpapaliwanag.

Kumunot ang noo ni Solomon sa nadinig. "Paano ka nakakasiguradong naroon nga si Bonzo?" Paninigurado nito.

Tumayo na si Kael sa pagkakaluhod at sabi. "Paumanhin Lord Phantom, alam nating napakabihasa ni Bonzo sa pagtatago ng kanyang presensya ngunit nalimutan nitong ako'y mayroong ding dugo ng isang mahikero. Hindi man ako nakakasigurado rito ngunit malakas ang kutob kong ito'y mula kay Bonzo. Siya at siya lamang ang mayroong ganoong aura dahil sa kanyang pinaghalong lahi."

Nawala ang kunot sa noo ni Solomon at napalitan ng isang matulis na ngiti ngunit mayroong pagkairita sa kanyang impresyon. "Ako na ang bahala kay Bonzo.. Nais kong pumaroon ka muli sa kaharian upang magmasid sa diablo ngunit huwag kang lalapit ng higit pa sa isang daang metro sa kanyang presensya upang hindi nito matunton ang iyong kinalalagyan."
.
.
.
.
.
At iyon nga ang nangyari. Muling bumalik si Kael sa Clandestinus habang si Solomon ay patungo sa kinaroroonan ni Bonzo.

Dawn Of The Sullen King (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora