••EPISODE ③⓪•• "Make me"

10.4K 277 20
                                    


Nang mag kamalay si Emerald ay dali-dali niyang sinuri ang kanyang kapaligiran.

Nasaksihan niyang naroon na siya sa kanyang silid at suot ang mga damit na hinubad nito kagabi lamang.

Hangang sa isang sulok ay nagawi ang kanyang paningin sa bukas na bintana. Nililipad ng hangin ang kurtina nito. Tinitigan niya ito na para bang pamilyar ang sitwasyon. Kumunot ang kanyang noo habang pilit inaalala ang mga naganap..

At nang maalala nga niya ang nangyari kagabi. Lahat iyon ay sumagi sa ala-ala niya maliban lamang ang mga ala-ala sa pagkatao ni Red.

Dali-dali siyang bumangon at rumagasang tumakbo patungo sa silid ni Kael. Minaliit niya ang distansya ng tatlong palapag mula sa kanyang silid.
Hindi siya huminto kahit pa nakasalubong niya ang mga kasambahay na pumipigil sa kanyang matulin na takbo....

Nais niyang masilayan muli ang lalaki..

Nais niyang matiyak na hindi niya lamang ito haka-haka o panaginip.

At sa wakas, ang silid na nais nitong marating ay natuntun niya. Naghihingalo niyang hinawakan ang pinto at pinihit ito..

Nakaramdam siya ng kaba...

Takot at kirot kung hindi niya masisilayan roon ang lalaki.

At sa pagbukas niya ng pinto ay bumungad sa kanya ang normal na silid ni Kael. May kadiliman ito sa'pagkat nakasara ang mga kurtina.

Nagmadali siya at isa-isang binuksan ang mga ito, nag babaka sakali na sa oras na maliwanagan ng husto ang silid ay lilitaw muli ang lalaki.

Ngunit sa kasamaang palad..

Maski anino man lang nito ay hindi mahagilap..

Tahimik ang silid pati na rin ang punong nasa tapat ng balkonahe. Tila walang buhay ang kanyang paligid at ang kanyang sarili sa nasaksihan.

"Was it all a dream..?" Bulong niya sa hangin.

Ngunit nanlaki ang mga mata ni Emerald nang maalalang bumaon ng kaunti ang ngipin ng lalaki sa kanyang leeg bago siya mawalan ng malay.

Agad nanaman siyang rumagasa patungo sa bahagi kung saan naroon ang malaking salamin sa silid ni Kael.

Nang matapat siya rito ay patagilid niyang itinangad ang ulo nito upang lumitaw ng husto ang balat sa kanyang leeg. Kasabay nito ang nagmamadaling pagkapa ang kanyang mga kamay rito upang hanapin ang bakas o sugat na natamo nito dahil roon..

Nais niya makakita ng matibay na patunay na ang nangyari kagabi ay totoo.

Ngunit muli siyang nadismaya sa'pagkat wala ang bakas na nais rin nitong makita.

"Why..?"

"Why I am acting unusual ..?"

"I mustn't waste any of my time for this.."

"So then..."

"Why???"

"Why do I still want to know who you really are...?"

Pagsasaisip ni Emerald habang pinag mamasdan ang nalilito nitong empresyon sa replika ng salamin.

Hindi nag tagal ay kinalma niya ang kanyang sarili at tumungo sa balkunahe kung saan naroroon nakatapat ang mataas na puno.

Hindi nag tagal ay kinalma niya ang kanyang sarili at tumungo sa balkunahe kung saan naroroon nakatapat ang mataas na puno

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pinag mamasdan niya ang malumanay na sinag ng araw at ang napakahalimuyak na amoy ng paligid.

"Will I see you again?" Sabi nito na tila kinakausap ang sarili.

Sumayaw ang mga sanga ng puno pagkasabi nito. Para bang sinasagot nito ang katanungan ni Emerald.

Napangiti naman ang dalaga dahil sa tugon ng punong nasa harapan niya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Who..?"

[[Note: May takip parin mukha ni Solomon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

[[Note: May takip parin mukha ni Solomon.. Hindi ko lang talaga magawang takpan hahaXD]]

Sa pangalawang pagkakataon muling napamulat sa gulat si Emerald nang madinig ang pamilyar na tinig mula sa kanyang likod.

Ilang sandali ang gulat na ito ay napalitan ng isang matamis na ngiti kasabay ng pag pikit ng kanyang mga mata..

Sa isang iglap lamang ay natangal ang anumang kaba o lungkot ni Emerald. Ang tanging nadarama na lamang nito sa mga sandaling iyon ay ang pagkagalak na muli nitong makakasalamuha ang lalaki.

Hindi na sinagot ni Emerald ang tanong ni Solomon bagkus ay nag bitiw siya ng isang katanungan sa maaliwalas na tinig habang nananatiling nakatalikod kay Solomon.
.
.
.
.
.
"Say, would you want to ride a horse with me??"

Dawn Of The Sullen King (COMPLETED)Where stories live. Discover now