EP ❷③ (part2)

10.7K 394 84
                                    

"Don't tell me what to do, you Psychopath!" Mariin na sagot ni Solomon sa sinabi ni Harquin na patayin si Red.

Sumingkit ang mga mata ni Harquin sa nadinig. Hindi niya ito nagustuhan. Dali-dali niyang hinampas ang kamay nito na mayroong bultahe ng koryente sa likuran ni Solomon. Kasabay ng pagsigaw nito sa mga kataga.. "Don't make me repeat it again!! Kill her Phantom!" Hindi niya mapigilan ang sarili.

Dumaloy ang bultahe sa buong katawan ni Solomon at dahil hawak niya si Red pati ito ay nadaluyan.

Hindi makapag-isip si Solomon. Naiirita na ito sa kanyang kapatid. Dali-dali niyang nilingon mula sa pagkakaluhod si Harquin.

"One more word from that stupid mouth and I'll KILL you!"

Natigilan si Harquin at unti-unting gumuhit ang matulis na ngiti sa kanyang labi

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Natigilan si Harquin at unti-unting gumuhit ang matulis na ngiti sa kanyang labi. "-oh... I've never seen you like this before.." Bulong niya sa ere.

Ngunit hindi iyon nadinig ni Solomon. Muli niyang ibinaling ang atensyon kay Red na nakasandal sa kamay niya. Agad niyang napansin ang hawak-hawak ni Red ang putol nitong kamay ng napakahigpit.

Hindi siya makapag-isip. Dali-dali niyang sinungaban ng tingin si Monet na nasa kanilang harapan. "Can you sew it back?" Tanong niya kay Monet na may taglay ng kakaibang sinulid.

Napakunot ng noo si Monet sabay iwas ng tingin. "We haven't seen each other for so long... And then you go around asking for something like that?! Don't be ridiculous..!" Hindi siya makatingin sa mata ni Solomon.

Nawala ang kunot sa noo ni Solomon. "I am not..." Sambit niya. "I----"

Naputol ang ano mang sasabihin ni Solomon nang tumilapon siya sa napakalaking pader. Iyon ay dahil sinipa siya ng buong pwersa ni Harquin sa ulo mula sa kanyang likuran.

Bumaon siya sa pader. Minulat niya ang kanyang mga mata upang makita ang kasunod na mangyayari.

Nakaluhod na si Harquin sa tapat ng kinahihigaan ni Red at akmang kikitilan niya ito ng leeg.

Nangigil ang mga ngipin ni Solomon at dali-dali....

Mula sa pader ay niyupi niya ang kanyang tuhod. Buong pwersa niyang sinipa ang pader. Kasabay ng pagkawasak nito ay ang napakabilis niyang pagtalon palipad sa kinalalagyan ni Harquin.

Sa ere ipwinesto niya ang kanyang kanang paa upang bigyan rin ng napakalakas na sipa ang ulo ni Harquin.

Bumagsak ang katawan ni Red sa sahig nang nabitawan siya ni Harquin at tumilapon rin sa kasalungat na pader.

"Monet!!! Do it!!" Galit na ito. Hindi niya maintindihan ang nadarama niya ngunit ang tangin nais ng katawan niya ay ang mailigtas ang babaeng may pulang buhok.

Dawn Of The Sullen King (COMPLETED)Where stories live. Discover now