EP ①⑦ (part3)

10.4K 325 12
                                    

Lumipas ang limang taon.

Labing-isang taon na si Solomon.

Naroon parin siya sa Pwersebes. Nakakulong, at dinaranas ang kadiliman ng diablo.

Sa loob ng limang taong ay wala siyang inumin. Walang pagkain. Ngunit buhay parin siya sa walang hangang buhay sa loob ng Pwersebes.

Sumisikip na ang kasuotang ipinasuot sa kanya ni Maria nang siya ay anim na taong gulang pa lamang.

Nakakaligo lamang siya sa tuwing bubuhusan siya ni Garbora ng kumukulong tubig habang nakadikit sa krus. Nalalapnos man ang kanyang balat ay gumagaling rin ito matapos ng maraming araw.

Walang tigil ang kanyang pagsigaw tila hindi siya namaaos.

Naranasan niyang tusukan ng maraming karayom sa bilog niyang mga mata.

Naranasan niyang balatan siya ng balat gamit ng patalim na pambalat ng mga prutas.

Naranasan niyang makita ang sarili niyang lamang at buto nang siya ay hinihiwa ng diablo.

Naranasan niya ang masaksak ng nagbabagang bakal sa bawat parte ng kanyng katawan.

Naranasan niyang lumunok ng malalaking bato at halos mawasak na ang kanyang lalamunan. Taska niya ito idudumi rin ng buo.

Naranasan niyang malunod sa napakaraming centipede. Pumapasok sa kanyang ilong, tenga, mata, bunganga at sa lahat ng sulok ng kanyang latawan.

Naranasan rin niyang hugutin ang sarili nitang mata at isubo ito ng magdamag sa kanyang bunganga.

"Pakiusap!! Bakit hindi mo nalang ako paslangin..!!"

Sigaw ni Solomon. Maga na ang mata nito at namamaos na. Pulang-pula ang puting bahagi ng kanyang mata. Naliligo siya ng dugo.

"Hindi ko na kakayanin pa!!"

Patuloy siya sa pagsigaw.

Sa kasalukuyan ay nilalagari ni Garbora ang binti ni Solomon.

Pinuputol niya ito.

Nang naputol ang isa niyang binti ay tumalsik ang napakaraming dugo. Balak namang isunod ni Garbora ang kaliwa pa.

Nang....

Lumitaw ang isang babae sa pinto ng puting silid. "Garbora, hangang kailan mo ba paghihintayin si Harquin?" Sabat nito.

Natigilan si Garbora sa kanyang ginagawa.

Humihina naman ang pagsigaw ni Solomon na tila nawawalan ito ng malay.

"Monet, at paano ka nakapasok sa Pwersebes?" Nagtatakang tanong ni Garbora nang malingon niya si Monet.

Humakbang papalapit si Monet. Naamoy niya ang tila amoy bangkay na katawan ni Solomon.

"Siya ba ang anak ni Maria?" Tanong niya at hindi ininda ang tanong ni Garbora.

Hindi umimik si Garbora at hinubad nito ang madugo niyang cloak. "Ngayon na ba ang nakatakda?" Tanong rin niya.

"Siya ay mag-lalabing dalawang taon na sa araw matapos ngayon." Ibinaling nito ang tingin kay Garbora. "Kung ilalabas mo siya sa ganyang sitwasyon ay maaring mag taka si Haring Baton at ang Reyna Terrah. Malalaman nilang ipinadala ni Harquin ang batang ito sa Pwersebes.." Sagot ni Monet.

Tanging si Harquin, Menistro, Garbora at Monet lamang ang nakakaalam na ipinadala ni Harquin ang anak ni Maria sa Pwersebes. Kung sa kali mang malaman ng Hari ang ginawang kalabagan nito ay maari siyang mahatulan ng mabigat na kamatayan.

Dawn Of The Sullen King (COMPLETED)Where stories live. Discover now