EP ❹ (part3)

26.2K 681 6
                                    

Kinuha nito ang kumot na may dugo at mga bandage. Pinagsama-sama niya ito at inilapag sa marbol na sahig. Pula parin ang kulay ng mata nito. Pinainit niya ang hangin sa paligid ng mga telang ito at unti-unting namuo ang maliit na apoy hangang sa lumaki ito. At tuluyang naging abo ng napakabilis ang mga ito. Pinitik niya ang hangin at mabilis na nagbukas ang bintana. Dali-daling pumasok ang hangin sa kwartong iyon. May kalamigan sa'pagkat nasa ituktok sila ng mataas na bundok.

Bumalik sa normal na kulay ang kanyang mata ng mawala ang amoy ng dugo ni Red. Balak na niyang umalis sa silid na iyon nang..

"Fath-- Phantom..." Tawag ni Red.

Sinilip niya lang si Red sa gilid ng kanyang mga mata at nakita niya ang naguguluhang mukha na tila maraming katanungan na bumabalot sa aura nito. Agad niyang inalis ang tingin at nag anyong mga paniki ito papalabas ng silid.

"Hindi magandang pagmasdan kung makikipag usap ako ng matagal sa aking pagkain!" Pagsasaisip ni Phantom sa pormang paniki.

Tuluyang nawala sa paningin niya si Phantom. Nanlaki ang mga mata nito. "M-my dad is not my dad?!" Bulong niya sa hangin ng maulit sa isipan niya ang sinabi ni Phantom kanina.

Hindi alam ni Red kung ano ang mararamdaman nito. Dapat ba siyang malungkot? Dapat ba siyang maging masaya? Dapat ba siyang mag-alala? O hayaan na lamang ang tadhana ang bahala sa kanya.

Muli siyang natigilan nang maisip niya ang ginagawa ni Phantom kanina sa kanyang binti. Agad namula ang kanyang pisngi. Naalala nito ang maputing mukha ni Phantom, ang matangos na ilong nito na nakatagilid, mahahaba nitong pilik mata habang nakababa ang tingin sa kanyang binti. Ang mapula at malambot nitong dila na dumadampi sa kanyang balat. Ang mapupula nitong labi na lalo pang pumula dahil sa dugo. At ang matutulis nitong pangil.

"Teka..." Napatigil si Red sa pagiimagine. "D-dugo? Pangil?" Muling nanlaki ang kanyang mata at kinapa-kapa niya ang kanyang katawan. Sa kanyang paggalaw ay naramdaman niya ang konting kirot sa kanyang braso.

Dali-daling niyang naalala na sinaksak ng mabangis na aso ang matulis na kuko nito sa kanyang braso. Nadismaya siya nang mapagtantong hindi niya nakita kung paano siya iniligtas ni Phantom.

Dahan-dahan niyang hinaplos ang mataas na bahagi ng braso nito. Muli siyang nadismaya dahil hindi niya nasaksihan ang malapit na mukha ni Phantom habang hinihilom niya paunti-unti ang malalim nitong sugat. Mas pumula ang mukha ni Red. Iniisip pa lang niya ang ginawa nito ay hirap na siyang huminga. "I-what is this feeling?" Bulong muli niya sa hangin.

••••••
Hindi na malanghap ni Kael ang amoy ng dugo ni Lady Red. Inayos niya ang sarili at nagdamit ito. Sa'pagkat sinunog niya kanina ang damit nito nang mamantsahan ito ng dugo ni Red. Nang akmang lalabas na siya sa pinto ng kanyang silid ay lumitaw si Phantom sa kanyang bintana.

Nakatapak ang paa nito sa bintana at nakatupi ang mga tuhod. Nakalaylay ang isa nitong kamay at ang isa naman ay nakahawak sa gilid ng bintana. Inangat niya ang nakayukong mukha nito.

"Did you tasted it?" Seryosong tanong ni Phantom kay Kael na hindi na nagulat sa paglitaw ng Hari.

Nagbigay galang muna si Kael sa Hari at tuwid na sinagot ito. "Lord Phantom, humihingi ako ng paumanhin sa aking inasal kani-kanina alam kong kalahating bambira at mahikero ang nananalaytay sa aking dugo ngunit hindi ko parin maiwasan ang pagnanasa ko kapag ako ay nakakaamoy ng hindi pangkaraniwang dugo. Gayo'n pa man ay hindi ko binalak ang pangunahan kayo. Wala akong karapatang galawin ang dapat ay para sa inyo." Nakayuko niyang sabi. "Hindi pa ako karapat-dapat upang iyong maging kanang kamay." Dugtong ni Kael.

Tinalon ni Phantom ang bintana at humakbang papalapit kay Kael. "Hindi ka magiging handa kung patuloy mong iiwasan ang bagay na nagpapahina sa'iyo." Inilislis ni Phantom ang kanyang mangas sa kanyang kanang kamay at lumitaw rito ang maputi niyang balat. "Humalo ang dugo ni Red sa aking dugo kung kaya't nais kong tikman mo ang akin upang mapawi ang pagkauhaw mo sa kanyang dugo." Alok nito nang makalapit kay Kael.

Tama, ang bawat dugong iniinom ni Phantom ay humahalo sa kanyang dugo. Nag babago ang dna nito sa tuwing iinom ito. May dalawang uri ito. Mahahalo ang dugo ng kanyang ininom sa loob lamang ng 24'ng oras at matutuyo rin ito sa oras na mauhaw siyang muli. Ngunit kung kinain nito ang pinakapinag'dadaluyan ng dugo ng isang nilalang ay mananatili ang dna nito sa kanyang katawan ng panghabambuhay. Tulad na lamang ng pagkain niya sa PUSO ng dating Hari na si Salazar isang Wizard hangang ngayon ay nasa dugo niya ang DNA nito. At kung kanyang mapag'aralan ay matututunan niyang gamitin ang kung anong kakayahang meron ang kanyang biktima. Ngunit kung ang ordinaryong tao o halimaw na nilalang ang uminom ng dugo ng isang purong bampira ay magkakaroon ito ng triple ang lakas na taglay nila.

Hindi sinusuway ni Kael ang bawat nais ng Hari na sundin niya, kung kaya't ginawa nito ang nais ni Phantom. Ngunit dahil sa siya ay kalahating bampira ay kaunti lamang ang dugong kaya nitong inumin mula sa isang purong bampira.

Nangyari nga ang sabi ni Phantom nawala ang pagnanasa niya sa dugo ni Red nang ito'y kanyang lapitan. Naaamoy niya ang mga galos sa isa nitong binti na hindi na pinagaling ni Phantom. Ni katiting na pagkauhaw sa dugo nito ay nawala.

"Kael.." Tawag ni Red sa lalaking nakaupo sa kanyang kama upang tignan ang kalagayan nito.
"Ahmm. Sabi ni Phantom ay hindi ko siya ama at hindi niya ako anak. Ano ang ibig niyang sabihin?"

Napatigil si Kael sa nadinig, hindi niya inaakalang sasabihin ito ni Phantom ngayong noon ay wala namang siyang paki-alam sa kung ano man ang sabihin o kung ano man ang isaksak niya sa kukote ni Red.

_____________________________
END OF EP IV

Ps.
Paki inform nlang po ako kung may mga mali ako or wrong grammar.. :) we all know na hindi tayo perpekto. :)

Dawn Of The Sullen King (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat