••EP ③① (part3)••

7.4K 233 7
                                    

Binigyan ni Bonzo ng napakaseryosong impresyon ang dalaga nang madinig niya ang katanungan nito. "Bakit mo naitanong?" Paninigurado nito.

Muling napaangat ng tingin si Emerald sa kalangitan. "Nakilala ko ang lalaking matagal ko nang naiikwento sa'iyo na patagong nag mamasid sa akin. Hindi ko mabilang ngunit ilang beses niya akong tinawag sa ngalang Red."

Kumunot ang noo ni Bonzo nang malamang hindi pa pala nababangit ni Solomon ang tungkol rito. Agarang napalitan ng ngiti ang kanyang impresyon pagkat hindi niya mawari kung ano ang balak ni Solomon gayong mas ikadadali ng sitwasyon kung sabihin nito kay Emerald na siya at si Red ay iisa. Ngunit sinakyan niya ang takbo nito at sabi. "Kilala ko ang pagkatao ng nilalang na iyong sinasabi. Si Red ay ang nilalang na iniibig ng isang Haring halimaw (monster)."

Napalingon si Emerald. "H-Hari?" Nagtataka niyang ulit. "Ngunit bakit nito ako tinatawag sa ganoong ngalan?"

Bumuntong hininga si Bonzo at hinarap si Emerald. "Pagkat ang babaeng tinutukoy ko ay iyong kamukha. Marahil ay nakikita nito ang pumanaw nitong minamahal sa iyong pagkatao." Seryosong sambit nito.

Kumunot ang noo ni Emerald sa nadinig. Iniisip nito na tila may mali sa sitwasyon. Ngunit sa kabilang banda ay kumirot ang kanyang damdamin nang malamang nakikita lamang siya ng lalaki bilang kahawig ng kanyang yumaong pag-ibig.

Pumungay ang mga mata ni Bonzo nang makita ang impresyon ng dalaga. "Ngunit huwag kang mag-alala.. Darating ang tamang panahon upang malaman mo ang kasagutan sa tanong na gumugulo sa iyong isipan.."

Ngunit tila hindi nakikinig si Emerald at napuno ng kaguluhan ang kanyang isipan.

Napasilip naman si Bonzo sa gawi ng malaking kahoy.. Naroon na nakatayo si Solomon. Ngunit hindi nainda si Bonzo at marahang ihinarap ang ulo ni Emerald sa kanyang harapan. "Ito na ang huli.. Paglipas ng mga araw ay malalaman mo ang bawat kasagutan. Binibigyan kita ng kakayahang maalala ang lahat kung nais mong magpatuloy sa buhay na iyong iniwan at kakayahang burahin ang bawat nakaraan kung ang iyong nais nama'y ipagpatuloy ang bagong buhay na iyong nasimulan." Sambit ni Bonzo sa tinig na may mahika.

Tila nahihilo si Emerald sa tinig na iyon ngunit hindi nito naiintindihan ang bawat kataga.

"Ako ay humahanga sa iyong pagkatao, Emerald. Hindi lamang ang isang nilalang ang iyong nabihag, kundi pati ang isang tulad ko." Bulong ni Bonzo na silang dalawa lamang ang nakakadinig dahil sa taglay na mahika sa kanyang tinig.

At hindi kinalaunan sa harapan ni Solomon ay binigyan niya ng isang halik sa labi ang dalaga.

Nanlaki ang mga mata ni Emerald hindi nito inaasahan ang pangyayari. Ngayon niya napagtanto na sa loob ng magtatatlong taon ay hindi nagbabago ang anyo ni Bonzo doon rin pumasok sa isipan niyang kilala nito ang lalaking nagsasabing isa siyang Halimaw. Napagtanto narin niya na hindi mainit ang katawn ng lalaki tulad ng kanya. Naguluhan siya dahil mas malamig ang balat ni Phantom kesa kay Bonzo subalit sasapat na ang temperatura nito upang bigyan ng katanungan ang kanyang pagkatao. Ang isipan ni Emerald na ginugulo ni Solomon ay ngayo'y napalitan ng katanungan tungkol kay Bonzo.

Napabitaw si Bonzo sa pagkakadampi ng labi nito kay Emerald saka nag bitiw ng matagumpay na ngiti. Kahit isang saglit ay nais niyang guluhin ang pagiisip ng dalaga. Ilang saglit ay tumalikod na siya upang lisanin ang silid ni Emerald.

Hinabol ni Emerald ng tingin si Bonzo upang humingi ng paliwanag ngunit di kinalaunan ay agad itong naglaho. Mas lalong gumulo ang isipan ng dalaga.

Ngunit ikinagulat niya nang umihip ang hindi pangkaraniwang hangin mula sa kanyang likuran. Dali-dali siyang napalingon at bumulagta sa kanya ang nakatayong lalaki sa sanga ng hindi kalayuang puno. "...Phant- ...bakit ka muling naparito?" Sambit niya.

Dawn Of The Sullen King (COMPLETED)Where stories live. Discover now