EP ③❷ (part2)

7.2K 239 17
                                    

Hindi sinagot ni Solomon ang tanong ni Garbora. Marahan niyang tinitigan ang tumitibok pang puso ng Diablo sa kanyang kamay.

Kung ito'y kakainin ni Solomon ay magkakaroon ito na kung ano ang mayroon si Garbora. Ngunit kung bibiyakin niya lamang ito o itatapon ay tiyak na bubuoin ito ni Garbora at ikakabit muli sa kanya.

Nagisip siya ng pinakamadaling paraan.

Mabilis siyang nag anyong mga maniki at lumipad patungo sa kagubatan.

Kumunot ang noo ni Garbora. "Nagbabalak ka bang takasan ako?!!!" May galit na sa tinig nito. Agad siyang kumaripas ng takbo upang sundan ang mga paniki ni Solomon.

Napangiti bigla si Garbora nang makita kung saan patungo si Solomon. Pabor sa kanya ang kagubatan. Rito ay mayroong puno sa bawat paligid na nagbibigay kadiliman sa kagubatan. Matyaga niya itong sinundan.

Ilang saglit ay narating nila ang pusod ng gubat. Doo'y napatigil si Garbora nang makita nito ang kumpol kumpol na paniki na himinto sa isang batong kweba.

Nakadama si Garbora na tila ba mayroong mali sa paligid.

"Paumanhin, ngunit tila nais pa ng nilalang na ito ng kahit kapirangot lamang ng iyong laman, Garbora.."

Nadinig ni Garbora ang tinig na iyon ni Solomon sa kanyang tagiliran.

Marahan siyang napalingon sa kaliwang bahagi ng kinatatayuan niya.

Nang una ay hindi ito napansin ni Garbora ngunit nang mapagtanto niyang ngumunguya ang Bwedanang nasa tabi nito ay agad nanlaki ang kalmado niyang mga mata

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nang una ay hindi ito napansin ni Garbora ngunit nang mapagtanto niyang ngumunguya ang Bwedanang nasa tabi nito ay agad nanlaki ang kalmado niyang mga mata.

Natuklasan niyang ipinakain ni Solomon ang puso nito sa halimaw na Bwedana.

Nangigil ang kanyang mga ngipin at nagsalubong ang mga kilay nito at galit na galit nitong sabi.

"WHAT DID YOU DO?!!!!"

Sa'pagkat ang tiyan ng mga bwedana ay may tila asidong sikmura na kayang tunawin maski ang bakal. Dahil rin rito kaya't gutumin ang ganitong uri ng halimaw.

Saulado ni Solomon kung saan naglulungga ang mga ito sa'pagkat minsan niya nang sinundan ang isa sa mga kauri nito nang mabiktima ng isang bwedana si Red.

"Bakit tila apektado ka? Hindi naman ikakasanhi ng iyong kamatayan kung mawalan ka ng puso hindi ba?" Muling sabi ni Solomon at dali-daling nag laho ang mga nagkumpol-kumpol na paniki na nanlinlang kay Garbora. "Tutal nama'y hindi mo rin kailangan ng damdamin."

Galit na napatitig si Garbora sa bwedana at sumagi sa isipan nito ang isang ala-ala ng napakatagal na panahon.

••••

"Pain, ang iyong puso ang pinakanatatangi sa lahat ng Diablong nakilala ko.."

"Pain, ipangako mong hindi ka magbabago... Huwag kang mag papalinlang sa iba.. Hayaan mo silang apihin ka.. Ang tulad mo'y hindi nararapat sa lugar na ito.."

"Ano't kailangan niyong ipamana kay Pain ang ganitong bagay?! Hindi ako papayag na dungisan niyo ang busilak niyang puso!!!!"

"Pain--- Pain--- gawin mo kung ano ang ipinaratang nilang sumpa sa'iyo.. Mayroong isang nilalang, nagiisa man siya'y natitiyak kong kaya nitong ipanumbalik ka sa dati.. At kung mangyari man ang bagay na ito'y nais kong ibalik mo ang dating ikaw.. Ang dati mong damdamin.. Hangat tumitibok ang iyong puso, pakatatandaan mong may pag-asa ka... Huwag kang hihinto.."

"Pain- nais kong malaman mong ikaw ang pinakamabait na nilalang sa buong kalupaang ito.. Iiwan man kita ngayo'y dapat mong alalahanin na mayroon kang sariling buhay na dapat pagtuonan ng pansin.. Huwag kang mapanghihinaan dahil lamang sa aking pagkawala...

••••

Nanginginig ang mga kamay nito nais man ni Garbora na magpatulo ng luha ay tila tuyong ilog ang agusan sa kanyang mga mata. Naging malalim ang paghinga niya at kinikimkim ang bawat ala-ala nito sa isang nilalang na natatangi sa kanya.

"Wala na akong pakialam pa sa plano ng iyong kapatid o maski ni Bonzo.." Itinaas ni Gardona ang kanang kamay nito at itinakip sa kanyang mukha habang paunti-unting napapahalakhak. Palakas ito ng palakas. "Papaslangin ko ang lahat ng nadikit sa buhay mo! Lilipunin ko maski ang kapatid mong si Harquin! Ni isa sa kanila kabilang ka ay wala akong ititira!!" Natigilan saglit si Garbora at nanlaki ng sobra ang kanyang mga mata habang nakatakip ang kamay nito. "O mas kapana-panabik kung lahat kayo'y magdurusa sa Pwersebes hangang sa magwakas ang inyong mga buhay!!" Hindi makontrol ni Garbora ang kanyang galit. Ang natatangi nitong yaman ay pinakain lamang ni Solomon sa isang Bwedana.

Napakunot naman si Solomon nang madinig ang mga ito hindi siya natatakot ngunit iniisip niya si Kael na nasa paligid lamang.

"SHIT!!!!!!!!!!"

Bulalas ni Solomon nang mas mabilis pa sa pagkurap ang galaw ni Garbora.

Nang oras na maisip nito si Kael ay nabasa na agad ng Diablo sa kanyang isipan na ang kahinaan nito sa mga oras na ito ay si Kael.

Rumaragasa sa pagtungo ang Diablo sa kinatatayuan ni Kael.

Dali-dali namang rumagasa rin si Solomon pasunod kay Garbora. Buong lakas niyang hinahabol ito sa'pagkat kung hindi ay agad na mamamatay si Kael.

Wala pang sampong sigundo ay narating ni Garbora si Kael.

Dumukot si Garbora ng bagay sa kanyang maliit na bulsa. At di nag tagal ay nailabas na nito ang napakalaking pamukpok. Napakalaki nito halos kasing laki ng isang silid sa mansion ni Bonzo. Malaki at mabigat. Ngunit parang wala lamang niyang binuhat ito at bumwelo upang ipang hampas sa makapal na ipo-ipo kabilang na si Kael na walang makita o kaalam-alam sa paligid.

Inangat na ito ng Diablo at ihahampas na niya ito mula sa taas..

Ilang saglit ay bumagsak nga sa makapal na Ipo-ipo ang hawak ni Garbora at pag bagsak nito sa lupa ay yumanig ang napakalawak ang kalupaan.

Kayang-kayang gumawa ni Garbora ng napakalakas na lindol gamit lamang ng bagay na hawak nito.

Ngunit hindi nasiyahan si Garbora sa'pagkat sa malapitang agwat ay agad na nasagip ni Solomon ang walang kamalay-malay na si Kael.

Dali-daling itinuwid ni Garbora ang katawan nito at binitawan ang hawak niya. Mabilis muli siyang sumugod patungo sa nilapagan ni Solomon habang bitbit si Kael.

Ngunit nang makatayo na si Kael ay pinabigat nito ang gravity sa paligid ni Garbora dahilan upang mapadapa ng mariin sa talampakan ang Diablo.

Ngunit hindi nanahimik si Solomon. "Kael, hindi ba't hinabilinan kitang huwag manghihimasok sa aming pagitan?"

"Paumanhin Lord Phantom, hindi ako nanghihimasok. Sa palagay ko'y karapat dapat lamang na ipag-tangol ko ang aking sarili sa nilalang na nagtatangkang pumaslang sa akin." Pagrarason ni Kael upang magkaroon ng karapatang tulungan ang kanyang Hari.

Napaisip naman sa sitwasyon si Solomon at alam niyang malaki rin ang maiitulong ni Kael sa pag-paslang sa Diablong walang kamatayan.

Dawn Of The Sullen King (COMPLETED)Where stories live. Discover now