EP ①⑦ (part 2)

11.6K 302 9
                                    

"Garbora, hindi mo naman ito pinahirapan sa inyong unang pagkikita. Hindi ba?" Tanong ni Harquin nang makatungtung ito sa Pwersebes.

Sa isang sulok kung saan napaka puti ng paligid. Tanging kulay puti lamang ang naroroon. Walang ni isang dumi o alikabok tila walang hanganang kaputian.

Dito naka bitin ng pacross ang batang katawan ni Solomon. Wala pa itong malay buhat ng mawalan siya ng gunita sa harap ng pulang pinto.

Umiling si Garbora. "Wala na siyang malay ng siya'y aking matagpuan." Binaling nito ang tingin kay Harquin. "Nais mo bang gisingin siya?" Tanong ni Garbora. Tinutukoy nito ang pag bisita ng lalaki kay Solomon.

Lumapit ang lalaki sa nakabitin na bata. "....hindi na kailangan. Ang pakay ko rito ay ang makita ang kanyang itsura hindi ang kausapin siya." Walang impresyong sagot ni Harquin.

Inunat nito ang kanyang kamay at dinampi ang kanyang palad sa pisngi ng nakayukong si Solomon. Wala parin itong malay. Mahimbing siyang natutulog at kahit anong tunog ang gawin ng nasa paligid niya ay hindi siya magigising sa ingay nito.

Sa'pagkat dahil sa sampong beses ang epekto ng pagkabasag ng kanyang pandinig ay ganoon rin kabagal ang paghilom nito. Hindi parin ito nakakarinig.

"Tunay nga siyang anak ng aking hangal na ama. Nakikita mo ba ang kanilang pakakahawig, Garbora?" Sabi nito kasabay ng pag alis ng kanyang palad sa mukha ni Solomon.

Hindi sumagot si Garbora dahil wala itong pakialam sa kanilang mag ama. Ang tanging nais niya lamang ay ang mapasakamay ang lamang lahi ni Maria. Dahil sa napakalalim na nakaraan ay may koneksyon ang dugong dumadaloy sa angkan ni Maria kay Garbora na hangang ngayon ay wala pang nakakatuklas.

Maging si Maria ay hindi alam ang posibleng atraso ng kanyang angkan kay Garbora.

Tumalikod na si Harquin. "Tsaka ko na siya kikilalanin sa aming ikalawang pagtatagpo." Sabi niya at humakbang na patungo sa pinto ng puting silid. "Gawin mo ang nais mong gawin sa kanya. Makatakas man siya rito o hindi.. Tiyakin mong hindi siya mamatay." Ngumiti ng bitin si Harquin tila nasisiyahan sa pangyayari. "Sa'pagkat nais ko pang masaksihan ang pagpaslang niya mismo sa mahal niyang ina."

At doon ay tuluyang nag laho si Harquin.

Samantalang naiwang puno ng katanungan si Garbora. Nagtataka ito kung paanong nakapasok si Harquin sa Pwersebes at makakalabas ng ganoon lamang ng hindi man lang nahahatulan ng mabigat na kamatayan.

Ngunit hindi nag tagal ay nawala iyon sa kanyang isipan nang magising si Solomon.

Dali-daling sumeryoso ang mukha nito at kuminang ang pula niyang mata. Kinuha niya ang tali sa bulsa ng kanyang kasuotan at nakatitig lamang sa bata habang itinatali nito ang mahaba at napakaputi niyang buhok.

Malabo ang paningin ni Solomon. Hindi nito maaninag ang nilalang na nasa harapan niya. Ngunit nakakasigurado itong nasa loob siya ng isang silid na ubod ng kaputian.

"Isang nakapanghihinayang na pangyayari. Hindi ko man lamang nadinig ang iyong pagsigaw nang ika'y makapasok mula sa pulang pinto." Sambit ni Garbora at humakbang ito papalapit sa bata.

Malabo man ang mata ni Solomon ay nasisilayan niyang tila may sinasabi ang nilalang na kanyang nasa harapan. "...Hindi ko madinig ang kanyang sinasabi..." Pagsasaisip niya, hindi parin nito alam na siya'y nabingi.

Nahulaan ni Garbora ang sitwasyon ni Solomon nang makita nito ang impresyon sa mukha ng bata.

Inangat niya ang kamay nito patapat sa noo ng bata, sa pagitan ng kanyang mga kilay. Dali-dali niya iyong pinitik ng mariin.

Dawn Of The Sullen King (COMPLETED)Where stories live. Discover now