EP ① (part2)

31.7K 816 107
                                    

Unti-unting bumilis ang tibok ng puso ni Phantom naglalabas ng naraming katas ang pangil nito. Hindi na niya mapigilan ang sarili. Uhaw na uhaw na ito. Nag dilim ang paligid niya at isinubo ang nasugatang palad ng sangol..

Napapikit si Phantom kasabay ng malalim na hininga nito. Sinasamsam niya ang maliit na lasa ng dugo ng sangol. Hindi umiiyak ang sangol sahil napagaling na ng katas ng pangil ni Phantom ang sugat.

Gayon paman ay nalasahan parin ng Hari ang 'di karaniwang lasa ng dugo ng sangol na ito. Balak niyang sipsipin ng buo ang bata ngunit napatigil siya at napaisip.

Iniisip niya na kung iinumin niya ang dugo ng bata ay mahihirapan siyang pigilan ang sarili. Baka mapatay niya ito at mawalan siya ng supply ng masarap na dugo ng sangol kaya napaisip ito.

Inalis ni Phantom ang palad ng sangol sa bunganga niya."I'll let you grow a little bit more.." Sabi nito na may sabik na tinig sa boses nito. "The larger you'll be in the future, the merrier i can be." Dugtong nito kasabay ng isang maluwang na ngiti.

Inilapag niyang muli ang baby sa basket at tinakpan itong muli ng tela katulad noong una niya itong nakita. Nag umpisa namang umiyak muli ang sangol. Sa sobrang lakas ng iyak nito ay wala na siyang magawa kundi bumalik sa kastilyo ng wala sa oras upang ipaubaya kay Kael ang lahat ng dapat gawin para palubohin ang sangol.

((Ang tumatakbo sa isip ni Phantom ay ang pamamaraan ng mga wolves. Ang palobohin ang mga bata bago nila ito kainin. Gaya ng isang alagang biik.))

Nagtaka ang mga alagad ni Phantom nang makita nila ang dala nitong basket at may umiiyak sa loob nito. Bukod pa jaan ay naamoy nila ang sariwang karne.

Nagkumpol-kumpol ang mga kawal na naka suot ng itim na robe.

K1: "ang laman sirugo noon ay sariwang karne ng batang biik"

K2: binatukan niya si K1. "hangal ka, hindi kumakain ng karne si Haring Phantom!"

K3: "R-regalo niya para kay pinunong Kael!"

K2: binatukan niya rin si K3. "Isa ka ring hangal! Hindi naman niya asawa si pinunong Kael.."

K4: "Ayun! Regalo niya kay Dadang!" (Tinutukoy nito ang asawa ni Phantom)

K2: binatukan niya rin si K4. "Sumabat ang isa pang hangal! Hindi ba't ipinatapon ni Haring Phantom ang bangkay ni Dadang kani-kanina lamang?!"

K1, K3, at K4: "eh ano?!"

K2: "Hindi pangkaraniwan ang iyak ng biik na iyon. Sa pagkakaalam ko iyak iyon ng isang bata."

K1, K3, at K4: "M-may anak si Haring Phantom sa ibang babae?!" (Sabay na hula ng tatlong kawal)

K2: (Tumungo si K2) "Ganoon na nga.."

K1: "Sa wakas ay may Prinsipe na sa Kastilyo."

K4: "Maaari nang bumitiw sa trono ang kamahalan!"

K3: "Mga hangal paano kung babae iyon?!"

K2: "Mag tigil kayo! Paano mamumuno ang isang batang wala pang kaalam-alam?!"

Napatigil ang lahat nang makita nila ang mga paniki ni Kael at nag anyong tao ito. "Ano ang ibig sabihin ng nadinig ko?" Tanong ni Kael sa apat na kawal.

K2: "Pinunong Kael.." (Nagbigay galang ito.) "Paumanhin po sa aming kapangahasan. Ngunit hindi po namin mapigilan ang mag-isip tungkol sa batang dala-dala ni Haring Phantom kani-kanina lamang." (Nananatili paring nakayuko ang apat na kawal.)

Kumunot lamang ang noo ni Kael at agad hinanap sa kaharian si Phantom. Halos nilibot niya ang lahat ng lugar gamit ang anyong mga paniki nito. Hindi niya mahagilap ang Hari.

Dawn Of The Sullen King (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon