••EP ❷⓪ (part3)••

12K 378 50
                                    

Alam niyang babalikan ni Bonzo si Red sa oras na malaman niyang nakapasok ito sa kanyang Portal.

Kung kaya't minabuti niyang itago si Red sa lugar kung saan nakatago ang prisensya nilang dalawa. Habang hinihintay ang pagbabalik ni Bonzo.

Sa'pagkat si Garbora ang uri ng nilalang na maski aura ng tao ay matutunton nito.

Nagmulat ng mga mata si Red. Nang malibot niya ang paningin at hindi makilala ang lugar ay agad siyang napaupo. Muli siyang luminga-linga upang hanapin si Solomon. Hindi niya rin ito makita.

Hindi siya makasiguro pero alam niya nasa loob siya ng isang silid. Napakagara ng silid na ito na tila kagaya halos ng silid ni Solomon ngunit mas makulay ito.

Ang kama nito ay kulay-lila at may maliwanag na ilaw sa ding-ding at lampara na naroon.

Ang kama nito ay kulay-lila at may maliwanag na ilaw sa ding-ding at lampara na naroon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nakaramdam siya ng takot na baka nagkahiwalay nanaman sila ni Solomon.

Nang akmang tatayo na siya ay nadinig niyang bumukas ang isa sa mga pinto na nasa loob ng silid.

Nanlaki ang mga mata niya at sumigla ang kanyang impresyon.

"Solomon..!!" Sigaw niya.

Basa ang hindi kahabaang buhok nito. Katatapos lamang nitong maligo at ang suot nito ay ang bathrobe ni Haustine. Ang lalaking pinaslang nito. Sa loob ng isang araw ay dito siya nagpapalipas ng oras.

Dito sa kwartong ito ay naka seal ang kanilang aura ito marahil ay gawa ng yumaong si Haustine.

Napangiti ng bitin si Solomon habang humahakbang papalapit kay Red.

Natigilan si Red. Tama ba ang kanyang nakita? Kinusot ng palad niya ang kanyang dalawang mata. At muling iminulat ang mga mata.

Sumingkit ang kanyang mata. "Sinasabi ko na nga ba...! Malabong ngumiti si Solomon sa aking harapan.." Pagsasaisip nito ng makitang normal ang mukha ni Solomon.

Napaupo si Solomon sa malambot na kama. At inunat nito ang kanyang kamay upang maabot ang bilugang pisngi ni Red. Hinaplos niya iyon ng may pag-iingat. "Bakit hindi kana rin maglinis ng iyong katawan? Ang iyong kasuotan ay may mantsa ng lupa." Sabi ni Solomon sa mahinahon na tinig.

Natulala si Red. Hindi niya alam kung nananaginip siya o nag-iba lamang ang kanyang pandinig.

Ngunit bigla na lamang niyang hiniling na huwag na siyang magising.

Nasa harapan niya ngayon ang hindi pa kilalang ugali ni Solomon. Ibang-iba ang itsura nito. At napansin rin niyang hindi na sinusuklay ni Solomon ang buhok nito pataas kagaya ng dati.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Dawn Of The Sullen King (COMPLETED)Where stories live. Discover now