EP ❷❻ (part2)

10.5K 326 6
                                    

Nabigla rin si Emerald nang agad na inalis ng ginoo ang pagkakahawak ng kamay nito. Kumunot ang noo niya tila tumigil ang ikot ng mundo nito nang nakatitigan nito ang mata ng ginoo.. Bigla na lamang may gumugulo sa isipan niya na sa tingin nito ay dapat alam niya ang ibig ipahiwatig. "Mr? Have we me...-" naputol ang ano mang sasabihin ni Emerald nang biglaan rin siyang hilain patalikod ni Kael.

"Lady Emerald, you must not go wondering around especially when the mansion are full of random guests." Magalang na sambit ni Kael.

Ngunit hindi iyon pinansin ni Emerald bagkus ay nilingon niya muli ang ginoong patuloy pa ring gumugulo sa isipan niya. "B-but this Mr...." Nanlaki ang mga mata nito nang masilayang wala na roon ang ginoo.

Kumunot naman ang noo ni Kael. "Mr..? Which one, Lady Emerald?" Tanong nito.

Naguluhan lalo si Emerald. "He was just right here.. He's wearing a black coat.."

Bumuntong hininga si Kael. "Pardon me for saying this, Lady Emerald.. But I haven't saw any..."

"No, I swear there is.. I just talked to him... And I touched his arm.. I'm telling the truth.. That guy with familiar face was standing right in here...!" Pag-pupumilit ni Emerald sa'pagkat nakakasigurado siyang hindi matatahimik ang isipan niya hangat hindi nito nalilinaw ang pagtataka o dahilan ng inaasal nito na tila ba malaki ang kinalaman sa ginoong nasilayan niya.

Hindi na nakapag-salita pa si Kael.. Hindi niya alam kung paano nito lulusutan ang pangyayari..

"Emerald, would you want to come with me?" Pag-singit ni Bonzo na nasaksihan rin ang pangyayari, ngunit mas minabuti nitong hindi na ipaalam ito kay Emerald.

Kumalma naman ang pag-iisip ni Emerald nang masilayan ang nakalahad na kamay ni Bonzo na nag-aaya sa kanya. Hindi na siya nag-dalawang isip pa na abutin iyon.

Bago tumalikod sila Emerald at Bonzo ay senenyasan nito si Kael gamit ng tingin nito na nasa itaas naghihintay si Solomon. Naunawaan ito ni Kael at dali-daling pumaroon sa kinalalagyan ng kanyang Hari. Alam niyang kagagawan ni Bonzo ang biglaang pagkawala ni Solomon sa likuran ni Emerald.

•••••

Pagkabukas pa lamang ni Kael sa silid ay nadatnan niyang nakatitig lamang sa ibabang palapag si Solomon mula sa napakalawak na bintana kung saan ay tanaw-tanaw nito si Emerald kadikit ni Bonzo.

Lumapit si Kael sa likuran ni Solomon at pinutol nito ang katahimikan sa pagitan nila. "Lord Phantom, bakit hindi man lamang kayo nag pasabing kayo ay mag tutungo rito? Kasalukuyan ngayong napapaisip si Lady Red sa'pagkat pamilyar ang inyong tindig sa kanyang ala-ala." Sambit nito.

Isinara ni Solomon ang kulay-lilang kurtina at hinarap si Kael. "Paumanhin, ngunit ako mismo ay hindi kayang ipaliwanag ang tumatakbo sa aking isipan.. Ang paghahangad ko lamang na makita si Red at makilala niya bilang isang ordinaryong nilalang ang tanging umuusbong sa aking isipan. Ngunit napagtanto kong hindi sasapat ang kilalanin niya lamang ako bilang isang ordinaryong nilalang.." Sagot ni Solomon habang nakatitig sa kanyang braso na nahawakan ni Red kani-kanina lamang.. Maski ang sinagot niya kay Kael ay hindi niya pinag-isipan at kusang lumabas sa kanyang bibig.

Natahimik si Kael.. Iniintindi niya ang nadarama ni Solomon ngunit alam niyang kailangan nitong ipaalam ang nangyayari tungkol kay Red. "Lord Phantom nais kong pakingan niyo ang aking sasabihin.."

Napaangat ng tingin si Solomon kay Kael. Nasilayan niyang inalukan siya ni Kael na umupo muna sa isang sofa na nakapalibot sa babasagin at di kataasang mesa.

Humakbang si Solomon upang umupo roon.

Pagkaupo naman ni Solomon ay agad na iniluhod ni Kael ang isang tuhod nito upang mag bigay galang sa Haring ilang buwan rin niyang hindi nasilayan. "Panginoon, napag-alaman kong balak niyong wakasan ang pagiging isang tao ni Red. Hindi ko alam kung paano niyo ito naisip ngunit sa tingin ko'y mahihirapan kayo sa pagtukoy kung paano ito ipapatupad ng walang bahid ng pagkakamali."

Napapikit si Solomon at marahang nagsalita. "Ni minsan ay hindi ito pumasok sa aking isipan ni wala rin sa aking kaalaman na ito'y maaari.. Tanging ito lamang ang nais ni Red na mangyari.. Ibinangit niya sa akin na ito'y maaari at nag mula ito sa iyong pagtuturo sa kanya... Nais niyang gawin ko siyang tulad ko. Alam kong wala itong kasiguraduhan ngunit nais kong ibigay ito sa kanya.. Hindi rin naman ito para sa kanya, ito rin ay para sa akin. Namulat ang aking paghahangad na tuparin ito nang inakala kong wala na siya sa aking buhay at tuluyang napaslang ni Garbora.." Napahinto si Solomon at nag mulat ng mga mata kasabay ng pagkunot ng kanyang noo. "Naisipan kong hindi magiging madali para sa akin ang mawala siya ng ganoong kaikling panahon sa aking piling.."

Bumuntong hininga si Kael, tama nga ang hinala nito tungkol sa desisyon ni Solomon. "Ngunit dapat niyong malaman na maaaring nagbago na ang desesyon ni Red tungkol sa pagiging isang katulad natin, Lord Phantom."

Sumeryoso ang mukha ni Solomon sa nadinig at hinayaang mag patuloy si Kael.

"Mabilis natutunan ni Lady Red ang tungkol sa mga bagay na kinagisnan niya sa ating tabi.. At ang ilan rito ay napapanaginipan niya. Ang iba'y mga halimaw na hindi na niya nais pang makita.. Sa tuwing gabi ay parati siyang umiidlip sa silid ni Bonzo upang mahimbing na makatulog. Sinasabi niyang hindi nito nais ang mga napapanaginipan nito.. Ito ay marahil sumasagi sa isipan niya ang dinanas nito kay Garbora. Hindi rin nag tagal sa tuwing nakakakita siya ng kulay puti o halos kasing tingkad ng kulay ni Garbora ay agad na nanginginig ang kanyang buong katawan, punong-puno ito ng takot at hindi man lamang nito nais hawakan..."

Tumayo si Solomon. "Kael, nais kong gawin ang bagay na sa tingin ko'y nararapat. Huwag kang mag-alala hindi ko nais ibalik ang ala-ala ni Red tungkol kay Garbora ngunit nais kong paunti-unti ay malaman niya kung sino siya at para kanino siya. Hindi ko nais mahulog ang loob niya sa isang taong hindi naman niya pipiliin sa oras na malaman niya ang kanyang nakaraan."

Nanlaki ang mata ni Kael sa nadinig. Ano ang nasa isipan ni Solomon at para saan pa't ipinabura nito ang ala-ala ni Red kung nais rin lamang nitong maalala niya ang nakaraan. "Lord Phantom.. Ano ang tunay mong binabalak?"

Malungkot na sumulyap si Solomon sa kanyang kanang kamay. "Ang bawiin sa tamang paraan ang dapat na nasa aking piling."

Hindi alam ni Kael ang ibig nitong sabihin sa'pagkat hindi nito alam ang pakiramdam ng isang pag-seselos o maski ingit.

Humakbang si Solomon patungo sa pintuan ng silid. "Simula sa ngayon ay nais ko siyang mabantayan kasabay ng paghahanap ko kay Garbora." Sabi nito at nang makalapit sa pinto ay nag pahabol si Kael ng babala kay Solomon.

"Lord Phantom, maari mo bang iwasan muna ang magpakita kay Lady Red? Sa'pagkat kanina lamang nang ika'y kanyang nasilayan ay napuno ng katanungan at pagkalito ang kanyang isipan.. Pakiusap, ito rin ay para sa ikakabuti ninyong dalawa, at hindi rin nito alam na ang mga nakatira sa mansion na ito ay hindi pangkaraniwang nilalang.. Ang buong pagkakaalam nito kathang isip lamang ang mga bagay na nagtataglay ng kapangyarihan. Lord Phantom." Magalang na pahabol ni Solomon.

Hindi nakasagot si Solomon dahil hindi nito nais mangako sa isang bagay na wala siyang kasiguraduhan. Ngunit binigyan niya ng sagot ang mga kataga ni Kael.. "Pakakatandaan ko ang iyong habilin, ngunit hindi ko matatantsa ang aking pagpipigil. Nais ko ring magpasalamat at nanatili ka sa kanyang tabi, Kael."

Napaangat ng tingin si Kael habang nananatiling nakaluhod sa kasalungat na dereksyon ni Solomon. Noon lamang niya nadinig ang mahinahong pagpapasalamat ng Hari sa kanya at tila mas nabuo ang kanyang kalooban na pagkatiwalaan ang bawat salita at galaw ni Solomon. Dahil sa paraan ng pag sasalita nito ngayon ay tila mas nangagaling ito sa kanyang dadamin katugon ng tamang pag-iisip nito.

Dawn Of The Sullen King (COMPLETED)Where stories live. Discover now