EP ❷❷ (part3)

10.7K 314 40
                                    

Akmang bubuksan na ni Solomon ang pinto ng puting silid nang may pumigil sa kanya na isang tinig.

"Yes, her name is Red... Why did you know?" Tanong ni Kael. Bumungad ito sa paikot na hagdan.

Napatingin si Solomon sa kanyang likuran. Kumunot ang kanyang noo. "I didn't know her... Basta na lamang itong lumitaw sa aking isipan." Hinarap nito ang kausap. "Kael, bakit ka naririto?!" Tanong niya.

Hindi mawari ni Solomon ngunit tila kusang nagagalit ang isipan niya kay Kael.

Napapikit si Kael at yumuko kay Solomon. "Bago pa man ako naging iyong kanang alagad.. Ako ay alipin ni Harquin." Idinilat nito ang mga mata at tuwid na tinitigan si Solomon. "Humihingi ako ng paumanhin sa aking pagtataksil.. Ngunit maaari mo bang ilihim sa iyong kapatid na ako ay anak ng ating ama?" Sambit nito sa malungkot na impresyon. Tila hindi niya nais ang ginagawa nito.

Natigilan si Solomon. Hindi na siya mag tataka kung inilihim nito kay Harquin na anak rin siya ni Baron sa'pagkat ang kahahatnungan niya ay kagaya ng magulong mundo ni Solomon.

Nag-iwas ng tingin si Solomon. Nais niyang magalit rito ngunit alam rin niyang sapilitan siyang inalila ni Harquin. "Hindi ko mapapatawad ang iyong pag-sisinungaling.. Subalit hindi ko rin hahayaang kumalas ka sa pagiging aking kanang alagad.. Ako ang iyong Hari at nais kong magbalik ka sa aking panig." Sambit ni Solomon.

Napangiti si Kael ng may bukal sa kanyang puso. "Ikinalulugod ko na ika'y aking kapatid.. Ngunit hindi ko maaatim na dagdagan pa ang iyong problema, Lord Phantom."

Sumingkit ang mata ni Solomon. "Sa aking harapan ay patuloy kang nagbibigay galang, ngunit itinatangi mong ako ang iyong Hari?" Binitawan ni Solomon ang pintuan ng puting silid at humakbang patungo sa paikot na hagdan. "Sa tingin ko ay wala akong ano mang problema.. Nais kong tumungo kay Harquin upang sabihing ibabalik kita sa aking lingkod."

Ngunit tila hindi natuwa si Kael. Nakatitig ito sa pinto ng puting silid. Nais niya mang tulungan si Solomon at Red. Hindi ito maaari.

Habang patuloy namang humahakbang papalayo si Solomon sa puting silid ay tila mas nadudurog ang kanyang damdamin. "What are you to me, Red...?" Pag-sasaisip niya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
(Sa trono kung saan nakaupo si Harquin katabi ng nakatayong si Mando.)

"King Harquin, ano ang iyong binabalak sa babaeng may pulang buhok?" Tanong ni Mando.

Napangiti si Harquin. "Nais kong iparamdam muli sa aking kapatid kung paano pumatay ng minahal nito sa sarili niyang mga kamay."

Natigilan si Mando. "Ipapapatay mo ang babae sa kanya, ngunit alam mong wala siyang ala-ala sa taong iyon."

Kinuha ni Harquin ang gintong kupita nito sa maliit na mesa katabi ng kanyang trono. "Hindi ko inaasahan na aalisin ni Bonzo ang ala-ala nito. Ngunit mas tila nasabik ako sa pangyayari. Kung ano ang magiging reaksyon niya sa oras na huli na bago pa niya malamang mahalaga sa kanya ang pinaslang nito." Sabi niya sabay inom nito sa hawak na kupita.

Naguluhan si Mando. "Kung gayon, bakit mo pa binigay ang tao kay Garbora, Kamahalan?"

Natigilan si Harquin. "Sa'pagkat ang diablong iyon ay may matinding galit sa lahi ni Phantom damay na pati ang mahahalagang tao sa kanilang paligid. Kung hindi ko ito ipapaubaya sa kanya, hindi ko rin mapapasunod si Garbora."

Hindi na umimik pa si Mando. Sa'pagkat alam na niya ang kasunod na mangyayari dahil tila ganito rin ang nagyari kay Maria. Ginalit ni Harquin si Solomon upang lumabas ang taglay ng purong dugo na namana nito kay Maria at Baron. Dahil roon ay naging tila killing machine ang isipan at katawan ni Solomon.

Dawn Of The Sullen King (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon