EP ⑦ (part3)

20.4K 589 5
                                    

Bumalik sa dati ang paligid. Nakita ni Phantom na nasa harap na niya si Harquin. Halos magkayakap na ang dalawa kung pagmamasdan at ang ulo ng lalaki ay nasa gilid ng kanyang mukha.

Nakaramdam ng kirot si Phantom. Nabaling ang atensyon niya sa kanyang katawan. Nakita niyang nakabaon ang buong kamay ni Harquin sa baba ng kanyang puso sa gitna ng kanyang mga ribs.

Napaubo ito ng dugo at tumalsik sa suit ng kaharap na lalaki.

Napangiti si Phantom. Nagkamali siya. Hindi lang ito nakabaon sa katawan niya kundi tagos pa sa kanyang likuran.

"Ooh...." Malagkit na sambit ni Phantom. "You sure do know how to annoy me, Harquin." Dugtong niya kasabay nito ay inangat niya ang kanang kamay nito at hinablot ng mabilis ang buong ulo ni Harquin.

Madiin niyang kinapit ang kanyang kamay sa mukha nito hanggang sa bumaon ang matutulis niyang kuko sa magkabilang pisngi ni Harquin.

"Now-now..." Sambit ni Harquin habang mahigpit na nakabaon parin ang kamay ni Phantom sa mukha niya. "Is that how you greet your big brother?" May ngiting makikita sa duguang mukha ng lalaki.

Sumeryoso ang mukha ni Phantom at ibinuhos ang buong pwersa sa kanyang kanang kamay tsaka niya itinilapon ng mabilis si Harquin.

Nawasak ang pader kung saan tumama ang tumilapon na lalaki. "Get lost!" Madiin na sabi ni Phantom kasabay ng isang matulis na tingin kay Harquin.

Natahimik ang kapaligiran nilang dalawa.

Dahan-dahang tumayo si Harquin at ipinagpag ang marumi niyang suit.

Dumilim ang aura at itsura ni Harquin. "Hey brat! I was trying to treat you nicely!" Nag iba na ang tinig nito. Napakalalim na ng kanyang boses. Gumuhit ang ugat sa noo ni Haquin. Madilim ang mukha nito pati ang kanyang paningin. "After all, i haven't seen you for so long.." Dugtong niya at dinilaan nito ang dugo na malapit sa kanyang labi.

"You pissed me off!!!" Madiin na pagkakasabi ni Harquin.

Nang madinig iyon ni Phantom ay agad niyang hinaplos ang dingding karugtong ng malaking pintuan ng silid aklatan at ang buong kwadradong pader ng silid ay naging matigas na bakal at soundproof.

Dahil dito ay hindi makakalabas o makakapasok ang nino man sa silid na iyon.

Nagbitiw ng napakalakas na kidlat ang madilim na langit sa itaas ng palasyo.

Dumilim muli ang paligid. Dumaloy ang mataas na bultahe ng koryente sa loob ng palasyo patungo sa kanang  kamay ni Harquin.

"Do you think this voltage cannot affect that metal cage of yours? No?" Matulis nitong bigkas kay Phantom.

Nanlaki ang mga mata ni Phantom sa'pagkat hindi nito inasan ang pangyayari.

Itinaas ni Harquin ang kanyang kamay. "Intentione Release!" (Latin)

Latin pronunciation & meaning:
"In-ten-dyo-ne Rele-yas-se!" = "Voltage Release"  ]

Pagkabitiw nito sa salita ay mabilis na tumungo ang kumpol na boltahe ng kuryente sa dereksyon niya.

Kumunot ang noo ni Phantom, kung iilagan niya ito ay tatama iyon sa kanyang likuran kung saan naroon ang pader na ginawa niyang matibay na metal.

Mabilis ang pangyayari hindi na nakapag'isip ng anuman si Phantom. Lalo pa't hindi pa nag hihilom ang kumikirot nitong sugat (butas) sa ibaba ng kayang puso.

Hindi niya alam ang mangyayari kung matamaan ng mataas na bultahe ang silid na iyon. Kung kaya't nag desisyon siyang saluhin ang bagay na patungo sa kanyang dereksyon.

"Tch! Will this thing can damage my whole body?!" Pagsasaisip ni Phantom. Hindi niya alam kung ano ang maidudulot ng mataas na boltaheng tatama sa kanya. Alam niya kung ano ito ngunit hindi pa niya nararanasan ang ganitong pangyayari.

"I'll just kill you if this thing is painful !"

Mabilis na umiikot ang oras.

Sa labas ng palasyo ay makikita ang pagliwanag sa isang madilim na sulok.

Matatanaw mula sa bayan ng mga halimaw sa paanan ng mataas na buntok....

ang mabilis at tila kislap ng isang bituwin sa madilim na langit tuwing kasagsaran ng gabi....

••END OF EP VII••

Note: Thank you! Dōmo arigatōgozaimashita! Sa mga nag votes! :) I appreciated the star!..

I hope maging friends tayo. :)

Dawn Of The Sullen King (COMPLETED)Where stories live. Discover now