TKHND 30: New heartthrobs

8.9K 126 9
                                    

Waaahhh!!!~ Hello po!!!~ ^_^ >_< _< _< ^_^ Please open it and let it load and don't watch it yet... I'll tell you when to play the video po...~ ^_^ >_< _<_< _< _<

The Korean Heartthrob Next Door

Copyright © 2013 by Vamichyeo


____________________________


"KYAAAHH!!!"


"Another hottie!!!"

Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa school grounds ay narinig ko na naman ang hiyawan ng mga babae. Nagtaka ako dahil hindi pa naman nakakarating si Korean boy sa school. Naglakad ako papasok sa school building at narinig ko ang mga bulungan ng mga babae kong schoolmates.


"Ang swerte naman natin... May bagong heartthrob na naman ang lumipat dito sa XIA..." Masayang sabi ng isang schoolmate ko. Mas nagtaka ako dahil sa mga naririnig ko.


May heartthrob na naman? Ano raw?


"Tasha..." Lumingon ako at nakita kong nakangiti si Scarlet. Nginitian ko rin siya at naglakad papalapit sa kanya.


"Good morning Scarlet, ano ba yung pinagkakaguluhan nila?" Nagtatakang tanong  ko kay Scarlet. Hinawakan ni Scarlet and kamay ko at dinala ako sa lugar na hindi masyadong maingay.


"Tasha, bago ko sagutin ang tanong mo pwede ko bang malaman kung ano ang favorite color ni Kyle?" Medyo nahihiyang tanong ni Scarlet pero seryoso ang besos niya.


"Ummm... Sa pagkakatanda ko white ang favorite color ni Kyle. May gusto ka bang ibigay kay Kyle?" Nginitian ko si Scarlet. Halatang namumula na si Scarlet.


"Ummm...A-eh...-" Hindi na naipatuloy ni Scarlet ang sasabihin niya dahil bigla na lang lumitaw si R.


"Jul! Nakita ko na siya... Ang soulmate ko..." Napakasayang sabi ni R habang nakahawak sa dibdib niya. Napansin niya si Scarlet at binati ito. Binati rin ni Scarlet si R pero di tumagal ay umalis na rin si Scarlet na nagmamadali.


"Jul... I found him..." Hinawakan ni R ang magkabilang balikat ko habang niyuyugyog ako. Nagtaka na naman ako sa sinabi ni R.


Ba't ba ang daming nakakapagtaka ngayon?


"Huh??" Blangko lang ang pagtingin ko kay R.


"Jul naman ehh... Halika ka na nga sa classroom. Ikukwento ko sa'yo!" Hinila ako ni R papasok sa room at umupo na kami sa mga seats namin. Nilipat ni R ang upuan niya at itinabi sa upuan ko.

The Korean Heartthrob Next Doorحيث تعيش القصص. اكتشف الآن