TKHND 60: Don't tell

4K 79 19
                                    

The Korean Heartthrob Next Door

Chapter 60

____________________________ 

Tinitigan ko ang ceiling habang nakahiga sa kama ko. Napatingin ako sa alarm clock ko at nakita ko ang 6:23 AM. Hindi ako nakatulog buong gabi dahil sa sinabi nila papa at mommy. Bumuntong hininga ako bago bumangon para maligo. 

"Baka nagbago na ang isip nila papa at mommy." Sabi ko sa sarili ko bago pumasok sa comfort room. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako at nagsuklay. Kinuha ko mula sa desk ang phone ko at ipinasok ito sa bulsa ko. Napatingin ako sa malaking bintana at nakita kong natutulog pa si Korean Boy. 

Hindi. Hindi ko siya kayang iwan.

Bumaba na ako at nakita ko si Manang Gha na nagliligpit ng mga gamit sa living room. Pinuntahan ko siya.

"Good morning po Manang Gha." Bati ko at napatingin siya sa akin. Ngumiti si Manang Gha pero pagkakita niya ng mukha ko ay bigla siyang sumimangot. Inilagay niya ang mga gamit sa itaas ng coffee table at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Jol, may prublima ka ba?" Tanong ni Manang Gha. Umiling-iling ako at ngumiti. 

"Okay lang po ako. Nasan po pala sila papa't mommy?" Tanong ko kay Manang Gha. 

"Maaga pang umales sina papa at mame mo Jol. Haleka, kumaen na tayo ng brikfast." Sabi ni Manng Gha at sumunod ako sa kanya. Nakahanda na ang mga pagkain at sabay na kaming kumain ni Manang Gha. Nagistawanan kami tuwing may kinukwento si Manang Gha sa akin tungkol sa pamilya niya. Naramdaman kong gumaan ang loob ko. Kahit konti lang.

Pagkatapos naming kumain ay tinulungan ko si Manang Gha na ligpitin ang mga kinainan namin. Sinuot ko na ang sapatos ko at bag. Hindi ko alam kung bakit pero parang nahihirapan akong ngumiti ngayon. Huminga ako ng malalim sabay pikit ng mga mata ko. Nabigla ako nang may yumakap sa akin mula sa likod.

"Good morning beautiful." Bulong ni Korean Boy. Naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko. Pero nanag maisip ko na hindi ko na maririnig ang boses ni Korean Boy ay napasimangot ako. Hindi. Kailangang huwag akong magpahalata na may problema ako. Ayokong mag-alala si Korean Boy sa akin. Humarap ako sa kanya at nginitian siya.

"Good morning." Bati ko at ngumiti si Korean Boy. Sa oras na ito ay hindi ko na kailangang ipilit ang ngiti ko dahil kusa nang lumawak ang ngiti ko. Nagkatitigan lang kami ni Korean Boy hbang may mga ngiti sa aming mga mukha.

"Enough with that you two. Let's go to school so I can see Arya again." Sabi ni Wayde habang may tinataype sa phone niya. Napatawa ako. Ang cute talaga nila Wayde at Arya. Nakita kong nakaupo sa sofa si Hanver at nginitian ko siya nang makita niya ako. 

"Yep. Let's go." Sabi ko at nagsimula nang maglakad palabas nang biglang hawakan ni Korean Boy ang kamay ko. Naramdaman kong uminit ang pisngi ko hinayaan si Korean Boy na dalhin ako papunta sa sasakyan niya. Pumasok na kami sa loob ng sasakyan niya at nagsimula nang magdrive papuntang XIA si Korean Boy. 

The Korean Heartthrob Next DoorWhere stories live. Discover now