TKHND 34: K&D Helps

8.8K 128 19
                                    

The Korean Heartthrob Next Door

Copyright © 2013 by michyeokpop

 

____________________________

 

Why So Serious?

romiowa julliet, seulpeun reobeuseutoriga a, aniya

da jal doel geoya

'gyeolguk haepi ending'eul aneun neon yeonaesoseol maeniak

Dahan dahan akong bumangon at tinry kong hanapin ang alarm ko. Nakapikit pa rin ako kaya yung kamay ko lang ang gumagalaw. Binuksan ko na ang mga mata ko nang maramdaman kong wala sa lalagyan niya ang alarm ko.

 

“Waaaahhh!!!” Napaupo ako sa kama ko. May Korean model na nakatopless sa harapan ko.

 

Waaahh!!! Nananaginip ba ako??

 

“Sorry… I just hate alarms in the morning and its Saturday… I turned off your alarm. Good morning!” Medyo naantok na sabi ni Wayde. Napatingin ako sa katawan niya at *lunok*.

 

Waaahhh!!! Ang… ang… ganda ng katawan niya…

Agad-agad kong tinakpan ang mga mata ko. Third time na akong nakaexperience nito. Nagulat ako nang marinig ko ang tawa ni Wayde.

 

“Cute pajamas by the way…” Inalis ko na ang mga kamay ko at nakita kong nagsmirk si Wayde bago siya lumabas ng kwarto ko. Tumayo ako at tumingin sa salamin.

 

Huh? Ba’t nandito si Wayde sa bahay namin?? Pajamas???

Pumunta ako sa full length mirror ko at tiningnan ang suot ko. Naramdaman kong uminit ang mga pisngi ko. Suot ko pala ang tank top ko na spongebob.

 

Nakakahiya! Mabuti na lang at hindi Barbie yung sinuot ko…

Umiling-iling ako at pumasok na sa C.R. para maligo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako at lumabas sa kwarto ko.

Nakita kong nag-aayos ng gamit si Manang Gha. Naglakad ako pababa ng hagdan at tumingin sa direksyon ko si Manang Gha. Nginitian niya ako at ibinalik ko ang ngiting iyon.

 

“Gud morneng Jol! Ang aga mo namang nageseng…” Pagbati ni Manang Gha. Tumango ako at tumawa. Nasanay na rin kasi akong nag-aalarm at gumigising ng maaga.

 

“Hay nako Jol! Ba’t ang dameng gwapung mga lalake deto?” Nagulat ako sa sinabi Manang Gha at maya-maya lang ay napatawa ako. Nagwowork rin kahit sa may mga edad na ang charms nila.

 

“Gwapo naman po sila… pero mas gwapo pa rin ang mga kpop idols ko…” Medyo mahina na sabi ko.

The Korean Heartthrob Next DoorWo Geschichten leben. Entdecke jetzt