TKHND 33: My girl

8.9K 131 18
                                    

The Korean Heartthrob Next Door

Copyright © 2013 by michyeokpop


____________________________


“What are you going to do to me?” Ginawa kong matapang ang boses ko pero ang totoo ay takot na ako. Nanginginig na ang mga kamay ko at nararamdaman ko na ang mga luha na hindi pa nahuhulog mula sa mga mata ko.


“WAHHH!!!” Napasigaw ako nang tinulak ako ni Wayde sa isang upuan at nakasandal ako sa wall. Nanginginig na ako sa takot at naramdaman kong tumulo na ang mga luha ko.


Hindi naman ako kinidnap diba? Ba’t ba nangyayari ulit ang pangyayaring ito?

Itinaas ko ang mga tuhod ko at isinandal ko ang ulo ko sa tuhod ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at pinigilan ko ang sarili ko na lumikha ng tunog habang umiiyak ako. Naramdaman kong hinawakan ni Wayde ang magkabilang balikat ko.


“Tasha… Are you okay?” Tumingala ako at nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Wayde. Patuloy pa ring tumulo ang mga luha ko.


“He-y… I’m sorry… Did I scare you? I was only joking… Aish!” Naglakad ng pabalik balik sa harapan ko si Wayde habang idinadaan sa buhok niya ang mga daliri niya.


Joke? Pero natakot ako…

Inikot ko ang paningin ko sa kwarto at napansin kong tinurn on na pala ni Wayde ang ilaw. Nasa loob kami ng isang kwarto na puro mirrors ang walls. Pinunasan ko ang mga luha ko at umupo ng maayos.


“Hey Tasha… I’m really sorry… I didn’t mean to sc-…” Tiningnan ko si Wayde ng masama at tumayo ako. Naglakad ako papalapit kay Wayde.


“Don’t ever do that again…” Medyo mahinang sabi ko at lumabas na ako sa kwarto. Lumabas na ako sa building at may nakita akong bench sa kabila ng kalsada. Naglakad ako papunta sa bench at umupo.


Akala ko nangyayari na naman… Ayaw ko nang maulit ang nangyari sa akin noon. Ang dahilan kung bakit ako nagkaroon ng phobia.

Inilabas ko ang phone ko at nakita kong may 10 missed calls at 12 messages. Nakasilent pala ang phone ko kaya hindi ko narinig ang mga missed calls at messages. Inopen ko ang mga missed calls at 3 ang galling kay papa, 2 kay mommy, 2 mula kay R at 3 mula kay Korean boy. Binuksan ko ang messages at 3 ang nanggaling kay kuya Carl at 2 kay ate Des. 2 messages rin mula kay kuya Ken at 3 mula kay Korean boy. Yung dalawa naman ay mula kay papa at mommy. Lahat ng messages nila ay naglalaman ng parehong tanong. Nagaalala sila sa akin dahil hindi pa ako umuuwi.


“Tasha!!!” Napatingin ako sa gilid at nakita ko si Korean boy na nakatayo. Napatayo na rin ako tumakbo papalapit si Korean boy sa akin.


“L, how did you fi-” Hindi ko na napatapos ang sasabihin ko dahil bigla akong niyakap ng mahigpit ni Korean boy. Hindi ko alam kung bakit pero ang comfortable ng pakiramdam ko at parang ayaw kong humiwalay sa yakap ni Korean boy.

The Korean Heartthrob Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon