TKHND 24: Stalker

10.3K 137 32
                                    

The Korean Heartthrob Next Door

Copyright © 2012 by michyeokpop


____________________________


“Sige po mommy… Opo… Sige po… I love you po! Bbye na po!~ I miss you na mommy.” Ibinaba na ni mommy ang tawag. Hayy.. Miss ko na talaga si mommy at papa. Kailan pa kaya sila uuwi?


May pupuntahan pa pala ako… Siguradong pupunta sila kuya Ken at ate Des doon..

Umiling-iling ako at binulsa ang cp ko. Lumabas na ako sa kwarto ko at bumaba sa hagdan.


“Jol.. Gud Morneng! Nakapaghanda na pala aku ng brikfast.” Nakangiting bati sa akin ni Manang Gha. Nginitian ko rin siya at sabay na kaming naglakad papunta sa dining room.


“Manang Gha, Gising na po ba si L?” Medyo naguguluhan pa rin ako sa mga nangyari at sa mga sinabi niya kahapon. Umiling lang si manang Gha kaya umupo na kami at kumain na. Ang sarap talaga ng luto ni Manang Gha. Pero syempre, mas masarap pa rin magluto si mommy.

Nung natapos na kaming kumain ay tinulungan ko si Manang Gha na linisin yung pinagkainan namin.


“Oo nga pala Jol…Ba’t ang aga mu yatang nagising ngayun?” Lumingon si manang Gha habang naghuhugas ng mga pinggan.


“May date po kasi ako… hahaha” Napatawa naman ako nung nakita kong nagulat si manang Gha. Yung tingin na parang hindi siya makapaniwala.


May date pa kami ng mga kpop idols ko.


“Sige po manang Gha… Mauuna na po ako.” Sinuot ko na ang sneakers ko at naglakad na palabas. Sa mall nalang muna siguro ako. Maaga pa naman kaya bibili nalang muna ako ng mga kpop albums at posters. Nakaabot na ako sa kanto at naghintay ng taxi.


Ang tagal naman..

May huminto na ring taxi. Sumakay na ako papunta sa mall. Pagkarating ko doon ay naglibot libot muna ako. Habang iniikot ko ang mga mata ko sa mga stores at shops ay nahinto ito sa isang lugar. Naglakad ako papalapit at pumasok sa shop. Ang daming kulay at ang cute ng design ng shop. Pumili na ako ng gusto kong bilhin. Ang nakakuha ng atensyon ko ay yung white na may black.


“Miss, etong cookies n’ cream po.” Kinuha na niya ang order ko at binayaran ko na sa counter.


Waaahhh! Ang sarap ng ice cream!

Kinuha ko na yung cup na may ice cream at sprinkles, nips at stick-o. Masayang masaya akong umupo sa isang bakanteng table at kinain ang masarap na ice cream. Habang dinedevour ko ang ice cream ko ay may kumausap sa aking lalaki.

The Korean Heartthrob Next DoorWhere stories live. Discover now