TKHND 62: 4 Kisses

3.9K 77 16
                                    

The Korean Heartthrob Next Door

Chapter 62

____________________________ 

 Bumaba na kaming tatlo mula sa kotse ni Korean Boy. Sumunod naman sina R at Wayde. Maaga pang pinapunta ni R si Wayde sa kanilang bahay para siya raw ang kasabay niya. Pagkarating namin sa school grounds ay nagsitakbuhan papalapit sa amin ang mga babae.

"Kyaaah! The Heartthrobs are here."

"Hanver, be mine!"

Iba't ibang mga boses ang narinig namin. Bigla akong hinala ni Korean Boy sa beywang papalapit sa kanya. Napatingin ako sa kanya at parang nakangiti siya na nakasmirk. Biglang nagsitilian ang mga schoolmates namin nang makita nila ang posisyon namin ni Korean Boy.

"TaNiel! Ang cute niyo!" Sigaw nang isang babae. Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Rainie na nakangiti at nakathumbs up sa amin. Ibinalik ko ang ngiti niya. Naglakad kami papasok ng school building hanggang nakaabot na kami sa aming classroom.

Ihinatid ako ni Korean Boy sa desk ko at nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Napaangat ang ulo ko at sa ibang direksyon nakatingin si Korean Boy. Pinaupo niya ako at umupo na siya sa tabi ko. Inilapit niya ang mga desk at upuan namin. Hanggang ngayon hawak niya pa rin ang kamay ko.

Dumating na ang teacher namin at nag-umpisa na ang klase. Nagsimula nang magsulat ang teacher namin sa board. Pilit kong inaagaw ang kamay ko mula sa kamay ni Korean Boy pero mas hinigpitan niya ang pagkakahawak rito. 

"L, I need to write." Sabi ko pero hindi man lang ako tiningnan ni Korean Boy. Patuloy lang siyang nakatitig sa bintana. Napabuntong hininga ako at lumapit kay Korean Boy. Medyo inilapit ko ang mukha ko sa kanya.

"L... I said I-" Napatigil ako sa pagsasalita nang lumingon si Korean Boy. Ang lapit ng mga mukha namin. Napatitig ako sa mga mata niya. Nagkatitigan lang kami ni Korean Boy. Maya-maya ay napansin kong napatingin si Korean Boy sa ibabang parte ng mukha ko. Lumapit pa si Korean Boy.

Anong gagawin niya?

"Mr. Ahn and Ms. Roblez! This is a classroom intended for learning. PDA is not allowed in this institution." Napatingin ako sa harap at nakita kong nakatingin ng masama sa amin ang teacher namin. Biglang nagsitawanan ang mga kaklase namin. Napayuko ako at naramdaman kong uminit ang mga pisngi ko. 

"Psst. Jul. Nakakakilig kayo ha." Mahinang sabi ni R sa tabi ko. Mas lalo akong yumuko habang unti-unting  pumaibaba sa upuan. 

"Aish. That teacher just ruined our moment. Tsk!" Narinig kong sabi ni Korean Boy mula sa tabi ko. Umupo na ako nang maayos at huminga ng malalim. Kinuha ko nang balppen ko at nagsimulang magsulat. Pero nanatili parin ang init sa mga pisngi ko. Napasilip ako sa direksyon ni Korean Boy at nakatitig siya sa akin. Mas uminit ang pisngi ko nang malaman ko iyon.

Dissmissal 

"Bbye Jul. Mag-ingat kayo sa pag-uwi." Paalam ni R at sabay na silang umalis ni Wayde. Napangiti ako sa nakikita ko. Ang cute ni R at Wayde. Bagay talaga sila para sa isa't-isa. 

The Korean Heartthrob Next DoorWhere stories live. Discover now