TKHND 48: Official Couple

6.1K 117 23
                                    

The Korean Heartthrob Next Door

Chapter 48



___________________________

Nakayuko ako ngayon habang nakaupo sa dining chair. Sabay na kaming lahat na nagdinner. Nasa magkabilang tabi ko si Mommy at Papa. Nasa magkabilang dulo naman nakaupo sina Hanver at Wayde. Ang umma naman ni korean boy at nakaupo kaharap ng Mommy ko. 

Ba't ba hindi ko matingnan sa mga mata si korean boy?? 

Nakayuko lang ako dahil hindi ko kayang makipagtitigan kay korean boy. Naririnig ko lang ang pag-uusap ni Papa, Mommy at Mrs. Ahn. Napansin ko ring tahimik sina Wayde at Hanver. Hindi ko alam kung anong ginagawa ni korean boy dahil hindi ko idinadaan ang mga mata ko sa direksyon niya. 

"Oh anak, ba't nakayuko ka? Masama ba ang pakiramdam mo?" Nag-aalalang tanong ni Mommy habang kinakapa ang noo ko. Huminga ako ng malalim at dahan-dahang tumingala. 

"Okay lang po ako Mommy..." Nginitian ko si Mommy. Ibinalik niya ang ngiti at nnagpatuloy na sa pakikipag-usap. Kumain lang ako na nakayuko pa rin at iniiwasan ang mapunta ang tingin ko kay korean boy. 

Waaahhh... Ba't ba ako umiiwas ng tingin???

Nagpatuloy lang ako sa pagkain at nabigla ako nang may sumipa sa mesa mula sa ibaba. Napatingala ako at si korean boy agad ang nakita ko. Seryoso ang ekspresyon niya. Umiwas ako kaagad ng tingin.

Habang nag-iisip ako nga rason kung bakit hindi ko matingnan si korean boy ay aksidenteng nabitawan ko ang tinidor ko. Yumuko ako sa ilalim ng mesa. Mabuti na lang at walang may nakapansin. Nang napulot ko na ang tinidor ko ay nagulat ako sa kamay na biglang humawak sa kamay ko. 

"Why won't you look at me?" Bulong ni korean boy sa akin. Bumukas ang bibig ko pero walang tunog na lumabas. Dali-dali akong bumalik sa kinauupuan ko at nakatingin ang lahat sa akin.

"Jul, anong ginawa niyo sa ibaba?" Tanong ni tita. 

Waaahhh... Anong isasagot ko?!

"Ummm... A-ano... nahulog po kasi yung tinidor ko..." Nauutal kong sagot at nakita kong nagsmirk si korean boy. Umiwas ako kaagad ng tingin dahil nararamdaman kong iinit na anamn ang pisngi ko. 

"Ahh... Ikaw L? Ba't yumuko ka rin?" Tanong ni Mommy kay korean boy. Alam na ni Mommy na marunong nang magtagalog si korean boy kaya hindi na macoconfiscate ang mga gadgets ko. 

"The fork slipped out of my hands and landed under the table..." Seryosong sagot ni korean boy habang ipinapakita ang kanyang tinidor. Nakahinga ako at hindi ko maiwasang ngumiti. Nagsitanguan silang lahat at nagpatuloy na sa kanilang mga ginagawa.

____________________________

"Good night Papa, Good night Mommy..." Hinalikan ko sila sa pisngi at dumiretso na sa kwarto ko. Inayos ko na ang pajamas ko at pumasok sa C.R. Pagkalabas ko ay nakita ko ang dere na stuffed toy na ibinigay ni Hanver. Ang tahimik kanina ni Hanver at si Wayde naman parang ang lalim ng iniisip kanina.

The Korean Heartthrob Next DoorWhere stories live. Discover now