TKHND 39: In exchange for a...

8.4K 131 14
                                    

The Korean Heartthrob Next Door

Chapter 39

___________________________

Sumabay ako sa driver ni papa papuntang school. Pinilit ako ni papa na sumabay sa kanya at idodrop lang daw ako ng driver niya sa school. Wala akong nagawa kundi sumunod at sumakay sa kotse.

“How is school Jul? Are you excelling in any subject?” Tanong ni papa habang lumingon sa akin sa likod.

“Umm… Maybe…” Napatawa ako ng mahina at napatingin sa labas. Ngumiti ako habang iniisip na kasabay ko si papa. Ang tagal na rin naming hindi nagkasabay. Nakarating na kami sa school at pinagbuksan ako ng pinto ng driver.

“Have fun at school Jul…” Hinalikan ni papa ang noo ko at nginitian ko siya habang tumatango. Bumaba na ako at kumaway sa paalis na kotse. Naglakad na ako papasok sa school grounds. May iilang students palang ang nakikita ko na naglalakad papasok ng school building.

Hmm… Parang may special event bukas… Ano kaya yun?

Nagisip-isip ako habang naglalakad sa hallway. Nagulat ako nang may biglang humawak sa balikat kokaya napalingon ako.

“Jul! Kamusta na?Ang tagal na nating hindi nag-usap…” Nakangiting tanong ni Kyle. Nginitian ko siya at umupokami saisang bench malapit sa hallway.

“Okay lang naman ako…Kayo na ba ni Scarlet?” Tanong ko kay Kyle at bigla siyang namula habang nakangiti ng sobrang lapad. Pinisil ko ang pisngi ni Kyle at tumawa.

“Uyy… Kailan?” Ibinaba ko na ang kamay ko at nagfocus kay Kyle.          

“Kahapon lang…” Hindi ko napigilan ang sarili ko at napatalon ako mula sa kinauupuan ko.

“Waahh! Congratulations!” Niyakap ko si Kyle at pinat ang likod niya na parang proud ako sa kanya. Nakangiti lang ako habang niyayakap si Kyle. Humiwalay na ako mula sa pagkakayakap kay Kyle at nakita ko na naglalakad papalapit si Scarlet.

“I’ll leave the cute couple alone…” Panunukso ko kay Kyle at tumakbo papasok ng classroom. Ipinatong ko ang bag ko sa seat ko at nung napatingin akosa seat ni R bigla kong naalala.

Birthday na pala ni R bukas! Ano kaya ang magandang gift??

Habang nagiisip ako ay bigla na lang nagtilian ang mga kaklase ko. Napatingin ako sa pintuan at nakita kong papasok si Korean boy. Nakasuot siya ng earphones at maya-maya lang ay tinanggal niya ang isang earphone. Napatingin si Korean boy sa akin at ngsmirk siya. Umiwas ako ng tingin at umupo sa seat ko.

Ba’t parang mas mahirap nang tingnan si Korean boy ngayon?? Dahil ba gusto ko na siya…

“Good morning…” Napatingin ako kay Korean boy nang magsalita siya. Idinaan ni Korean boy ang kamay niya sa buhok niya at nagsmirk na naman. Naramdaman ko na naman ang init sa mukha ko. Umiwas ako ng tingin at isinandal ko sa desk ang kamay ko at isinubsob ang mukha ko dito.

The Korean Heartthrob Next DoorWhere stories live. Discover now