TKHND 45: School Event & The Two of Them

7.3K 130 20
                                    

The Korean Heartthrob Next Door

Chapter 45

___________________________

"Jul! Kamusta ka na? Ayos ka na ba!?" Niyakap ako kaagad ni R ng sobrang higpit. Namiss ko talaga ag best friend ko. Binitiwan na ako ni R at hinawakan niya ang magkabilang braso ko. 

"Huhulaan ko, ang GLAM ang may pakana ng lahat. Tama ba ako?" Seryosong nakatingin si R sa akin. Wala akong nagawa kundi tumango ng mahina. Bigla akong binitowan ni R at tumakbo papunta sa isang classroom. 

Saan ba pupunta si R??

Sinundan ko si R at nakita ko siyang pumasok sa classroom. Sumilip ako mula sa pinto at nakita kong may sinisigawan si R.

"Hoy! Anong ginawa niyo kay Jul ha?! Umamin na kayo dahil alam na naming kayo ang nag lock sa kanya nung Friday!" Sinigawan ni R si Yui na kasalukuyang nakaupo at tinitingnan ang kanyang mga mahahabang kuko. 

"Huh... Are you insane? Why would we do that? That would just be a waste of time..." Kalmadong sagot ni Yui habang nakatingin sa dala niyang salamin. Kumunot ang mga kilay ni R at bigla niyang kinuha at tinapon ang salaming hawak ni Yui.

Waaahhh... Anong ginawa ni R??

"Aba! Ba't mo ginawa yon ha?! Alam mo ba kung magkano yung salamin na yon!? Palibhasa, cheap model ka lang kaya hindi mo alam kung magkano..." Tinaasan ni Yui ng kilay si R. Akmang sasabunutan na ni R si Yui pero napigilan ko na si R.

"Tama na yan R... Huwag mo na siyang patulan..." Hinawakan ko ng mahigpit ang braso ni R at sabay na kaming lumabas sa classroom. Nagsasalpukan pa rin ang kilay ni R hanggang ngayon. Sana kumalma na siya.

"That freakin girl... just, ahhh!" Hindi na napigilang sumigaw ni R kaya napatningin ang ibang schoolmates namin sa amin. Nginitian ko sila at mabilis na hinawakan sa braso si R at sabay na kaming pumasok sa classroom namin.  

"Tasha...Arya... Anong klaseng monster ba ang gusto niyo? Yung multo? Beheaded ghosts?" Tanong ng class president namin sa aming dalawa. Ngayong week na gaganapin yung school event na dadaluhan ng mga taga-ibang schools. Every class should have atleast 2 different booths. Naisipan ng klase namin na haunted room ang gagawin naming booth. Yung pangalawa ay hindi ko pa alam. 

"Umm... White lady. Tama! White lady..." Sabi ni R habang tinatabunan niya ng buhok niya ang mukha niya. Napatawa ako at tumango naman ang class president namin. 

"Ikaw Tasha?" Tanong ng class president namin sa akin. Napaisip ako at walang lumalabas na idea sa isip ko. Parang hindi ko kasi kaya na manakot ng iba. 

"Sige... Ikaw na lang ang magiging guide ng mga papasok sa haunted room para alam nila ang dadaanan nila..." Sabi ng class president namin at tinype niya na ito sa tablet niya. Tumango ako at nginitian siya. 

Yehey!!! Excited na ako para sa school event na ito...

The Korean Heartthrob Next DoorWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu