TKHND 36: Secret kiss

8.2K 129 19
                                    

The Korean Heartthrob Next Door

Copyright © 2013 by michyeokpop

____________________________

Napatayo ako nang bigla na lang may tumulak kay Hanver at sinuntok si Hanver. Napatingin ako sa lalaking sumuntok kay Hanver at isang galit na Korean boy ang nakita ko.

“Jul! Okay ka lang? Anong ginawa niya sa’yo?” Bigla akong niyakap ni ate Des. Nakita kong nag-aalala si ate Des.

Ano bang nangyayari?? Sinong gumawa ng ano?

“Umm.. Ate Des…Ano pong tinutukoy mo?” Nagtatakang tanong ko kay ate Des. Napakunot ang kilay ni ate Des.

“Ahh… ehh… diba tinangka kang anuhin ni… yun!” Sabay turo ng daliri ni ate Des sa tinutukoy niya. Napatingin ako sa direksyon ng tinuturo ni ate Des at nakita ko si Hanver na nakayuko habang hinahawakan ni kuya Ken.

A-anong nangyari kay Hanver???

“What’s going on?” Naguguluhang sabi ko habang palipat lipat ng tingin mula kay Korean boy papunta kay Hanver. Nakita kong may sugat sa labi si Hanver. Nilapitan ko si Hanver.

“Are you okay?” Tanong ko kay Hanver. Tumango si Hanver at napatingin ako kay Korean boy. Tiningnan kosiya ng masama. Umiwas ng tingin si Korean boy at nilapitan ko siya.

“Why did you do that?” Galit na tanong ko kay Korean boy. Napatingin si Korean boy sa akin at walang ekspresyon ang mukha niya.

Ang bad talaga ni Korean boy!!! Ba’t niya sinaktan si Hanver!?

“To save you…” Medyo mahinang sabi ni Korean boy. Lalo akong nagtaka.

Huh? Save me?

“Why did you come with him!? Why are you in this house with him!? Why was he on top of you earlier!?” Napaatras ako sa sobrang gulat nang sumigaw si Korean boy. Ito ang unang beses na nakita at narinig kong sumigaw si Korean boy. Mukhang galit nag alit rin si Korean boy.

“Umm… I was the one who forced him to come with me…” Ginawa kong malakas ang boses ko pero parang normal lang na lakas ng boses ko ang narinig ko. Nakita kong nagulat si Korean boy at napalitan naman ng galit ang mukha niya. Humakbang si korean boy papalapit sa akin.

“What!?” Napasigaw ulit si Korean boy at napaatras na naman ako. Napatingin ako sa sahig at nakaramdam ako ng takot pero parang may naramdaman ako sa dibdib ko. Parang biglang sumikip yung dibdib ko.

“Ate… Sino siya?” Napatingin ako sapinagmulan ng mga boses. Nakita ko ang mga bata na mukhang nagtataka. Nilapitan ko sila at lumuhod para makapantay sila.

The Korean Heartthrob Next DoorWhere stories live. Discover now