TKHND 7: Help

13.8K 234 13
                                    

The Korean Heartthrob Next Door

Chapter 7

 

____________________________

“Matagal pa ba kayo diyan Mommy? Miss ko na kayo.”

“Jul, alam kong one week na kaming wala. Huwag kang mag-alala tatawag ako tuwing free time ko pati na rin si Papa mo. Magpakabait ka anak at tulungan mo si L na maka-adjust diyan. Bye anak, magsisimula na ang meeting. I love you.” Sagot ni Mommy mula sa kabilang linya. Napasimangot ako pero dahan-dahan ring tumango.

“Bye Mommy. I love you too at pakisabi kay Papa na miss ko na siya. Bye.” Ibinaba ko na ang tawag at napasandal sa head rest ng sofa. Isang linggo na pala kaming magkasama ni Korean Boy pero sa loob ng isang linggo ay hindi pa rin siya marunong magtagalog. Kahit nang mga simpleng salita man lang. Nasaan na kaya 'yun? Maturuan na nga siya ng Tagalog at nahihirapan na akong mag-ingles.

“L?” Hinanap ko siya sa isa pa naming living room pero wala siya rito. Ba’t ba kasi ang laki ng bahay namin? Napailing ako at umakyat sa hagdan patungo sa kwarto niya. “L?” Wala rin siya sa kwarto niya. Bumaba ako at tumungo sa dining room. “L?” Wala rin siya rito. Sinubukan kong hanapin siya sa mini library namin.

“L?” Pagtawag ko sa kanya. Natagpuan ko siyang nakupo sa sofa. Nandito lang naman pala siya sa library. Phew.

“L? Do you want to learn how to speak Tagalog? I’m free right now. And I'm actually willing to teach you.”  Wika ko. Napatingin siya sa akin pero inalis niya rin kaagad ang mga mata  niya sa akin. Anong nangyari? Nilapitan ko siya at tinapik ang balikat niya.

“Umm…” Hindi ko alam kung paano uumpisahan ang sasabihin ko. Ano ba 'to. Parang ang dilim ng atmosphere dito. Sinubukan kong ibahin ang atmospera ng mini library namin. Ngumiti ako nang napakalapad.

“L, I can teach you right now.” Patuloy parin ako sa pagngiti pero hindi parin ito gumana. Nanatili parin ang madilim na pakiramdam sa kwarto.

“Go teach that Carl of yours. I'm sure you want to clear up that complicated thing between you two, right? Tss.” May kung ano sa boses ni Korean Boy. Wala paring emosyon ang mukha niya pero iba ang lumalabas sa mga mata niya. Galit ba siya? Why? At paano nasali si Kuya Carl dito?

Bigla siyang tumayo at umalis na hindi man lang ako tinitignan patungo sa living room. Napasimangot ako sa taka. Anong nangyayari? Tinanong ko lang naman siya kung gusto niyang matuto ng Tagalog. Talaga bang ganyan kasama ang ugali niya? Hindi niya ba alam ni sinakripisyo ko ang oras ko na dapat ay spina-spazz ko na ngayon?

Napahawak ako sa tiyan ko nang tumunog ito. Wala pa pala kaming breakfast. Tumayo na ako at pumunta sa kitchen para magluto ng makakain. Nakahanap ako ng mga ingredients para makagawa ng pancake. Nakakita rin ako ng bacon at mga itlog na pwedeng lutuin. Nagsaing na rin ako para ipares sa ulam. Napangiti ako nang maluto na ang mga niluto ko. Pwede na pala akong maging isang chef.

L’s P.O.V

I don’t know what just happened. I didn't intend to act that way or say those things to her. But her words still lingered in my mind. 

The Korean Heartthrob Next DoorWhere stories live. Discover now