TKHND 53: Sujeong Lee

5.4K 79 22
                                    

The Korean Heartthrob Next Door

Chapter 53

__________________________ 

Dalawang buwan. Dalawang buwan na akong naghihintay. Araw-araw ay gumigising ako at nagmamadaling pumupunta sa bahay nila L. Si Hanver at Wayde lang ang palagi kong naaabutan. Ang umma naman ni Korean Boy ay umalis na rin dahil sa business at para makasama ang asawa niya. Halatang nag-aalala na si tita kay Korean Boy. 

"Jul... Hinihintay mo na naman ba si L? Kilala na kita Jul. Alam kong kaya mong ngumiti at maging masiyahin pero ang totoo ay unti-unti ka nang nababasag sa loob. " Mahinang sabi ni R at niyakap ako mula sa gilid. Bumuntong-hininga ako at umiling-iling. 

"Ba't kasi hindi pa bumabalik si Korean boy? Namimiss ko na siya at hindi man lang siya nagtetext. Siguro, nakahanap na siya ng ibang mas maganda at mas matalinong babae sa Korea..." Medyo naiiyak kong sabi. May narinig akong tumawa at napatingin ako kay R. Bigla niyang pinisil ang pisngi ko habang tumatawa. 

"Hindi yun mangyayari... Ang pagiging slow mo at inosente ang nagustuhan ni L sa'yo. Kaya ba't naman siya maghahanap ng iba, complete package ka na..." Sabi ni R at kinurot ang ilong ko. Inalis ko ang kamay niya sa ilong ko at sinimangutan siya. 

"Hindi naman ako inosente! At ano ba yung complete package R? Yung kumpletong may pagkain, damit at pera na laman ang box? Hindi naman ako gamit... Tao naman ako..." Sabi ko at mas lalong napatawa si R.  Mas lalo akong naguluhan. 

"Ang pagiging ganyan mo ang rason kung bakit hinding-hindi ka ipagpapalit ni L... Matalino ka naman pero slow lang talaga pagdating sa love... Tulad ngayon..." Nakita kong nakatingin si R sa likod ko. Nagtaka ako at bago pa man ako lumingon ay nagpaalam na si R. Kumaway ako kay R at lumingon. Nakita ko si Hanver na nakasandal sa pader di kalayuan mula sa kinauupuan naming bench ni R.

Kinawayan ko si Hanver at naglakad siya papalapit sa kinauupuan ko. Sa loob ng dalwang buwan ay naging malapit na magkaibigan na kami ni Hanver. Parang siya na yung male version ni R. Umupo siya sa tabi ko at may iniabot sa akin.

"Waahhh... Thank you so much Hanver..." Kinuha ko ang inaabot na ice cream ni Hanver. Agad akong ngumiti at tinikman ang ice cream. Ang sarap talaga ng cookies n' cream. Sa sobrang sarap ng ice cream ay hindi muna kami nag-usap ni Hanver at kumoncentrate lang ako sa ice cream. 

"Thank you again!" Humarap ako kay Hanver at nakita kong nakatingin siya sa mukha ko. Inilapit niya ang mukha niya habang nakatingin pa rin sa akin ng seryoso. Nagtaka ako at naramdaman kong uminit ang pisngi ko. Nagtama ang mga mata namin ni Hanver at hindi ako nakagalaw. Ang ganda ng mga mata ni Hanver. 

"Tasha..." Mahinang sabi ni Hanver bago tuluyang may dumampi sa labi ko. Napapikit ako at bigla kong naalala si Korean Boy. Nagawa niya na rin ito. Minulat ko ang mga mata ko at kinuha na ni Hanver ang thumb niya na pumahid sa labi ko.

"Naneun simgaghage eongmang." Sabi ni Hanver at nalito naman ako. (I seriously messed up. )

"You got some ice cream smudged on your lips..." Sabi ni Hanver at bigla naman siyang napahawak sa likod ng leeg niya habang nakatingin sa ilalim. Tumayo siya at tumalikod sa akin. Narinig kong may binulong siya pero hindi ito klaro. Humarap ulit si Hanver sa akin at inilahad ang braso niya.

The Korean Heartthrob Next DoorWhere stories live. Discover now