TKHND 57: I won't

4.6K 93 40
                                    

The Korean Heartthrob Next Door

Chapter 57

____________________________

 Arya's P.O.V 

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Tsk. Nahahalata na ang mga eye bags ko. Pinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim. Muli kong binuksan ang mga mata ko. Nagulat ako nang biglang tumunog ang phone ko. Kinuha ko ang phone ko at sinagot ang tawag. 

"Arya, I just have to remind you that you really need to pose for Silver magazine." Pamungad ng manager ko. Ginulo ko ang buhok ko at napasandal sa lababo.

"Okay okay. Pupunta ako..." 

"Just make sure you're there. I have to go, bye." Ibinaba niya na ang tawag at ibinalik ko na ang phone sa bag ko. Lumabas na ako sa C.R at nakitang kong naglalakad ang mga schoolmates ko. Inayos ko ang buhok ko at nagsimula na ring maglakad hanggang sa nakarating na ako sa hallway. Nginitian ko ang lahat nang bumati sa akin. Nang makarating na ako sa room ay bigla akong napahinto nang makita ko si Jul na nakaupo habang nakatingin sa seat ko. 

Gusto na kitang kausapin Jul pero nasasaktan parin ako.

"R! Good morning!" Masayahing bati ni Jul. Ngingitian ko na sana siya pero pinigilan ko ang sarili ko. Umupo ako sa seat ko na hindi man lang napapatingin kay Jul. 

"Para sa'yo R..." Inilagay ni Jul ang isang maliit na box ng cupcakes. Napatingin ako sa kanya at ang lapad ng ngiti niya. Ang cute talaga ni Jul pero hindi ko ito hinayaang mapalambot ang puso ko. 

Mahigit isang buwan na rin simula nung nangyari yung malaking news. Mahigit isang buwan ko na ring hindi pinapansin at iniiwasan si Jul. Pero kahit na ganun ay parati niya parin akong kinakausap at binibigyan ng kahit ano. 

"Okay class, we'll tackle the..." Nagsimula nang magturo ang teacher namin at tinuon ko sa kanya ang atensyon ko. 

After 4 hours...

"Sige, pwede na kayong maglunch." Anunsyo ng teacher namin at nagsilabasan na ang mga kaklase ko. Kinuha ko ang pocket mirror ko at tiningnan muna ang mukha ko. Inayos ko ang buhok ko habang naghihintay. Ilang minuto na rin ang lumipas at hindi parin ako binabalikan ni Jul. 

Ano na bang nangyari sa kanya?

Siguro nakasanayan ko nang binabalikan ako ni Jul sa room na may dalang lunch. Hindi na ako kumakain sa cafeteria dahil alam kong makikita ko siya doon. Napatayo ako at lakas loob na lumabas ng room para pumunta sa cafeteria. Nang makarating ako ay naramdaman ko ang pagtibok ng puso ko nang makita ko siya. Hanggang ngayon ay may nararamdaman parin ako para sa kanya. May nararamdaman parin ako para kay Wayde.

Medyo lumapit ako sa table nila Jul. Sina L, Hanver, Wayde, Nicole, Scarlet at Kyle ang nakapalibot sa kanya. Napahinto ako nang napansin kong ang saya nila kahit na wala ako. Mukhang malalim rin yung pinag-uusapan nila. Mukhang ako rin yung pinag-uusapan nila.

The Korean Heartthrob Next DoorWhere stories live. Discover now