TKHND 2: Actually

19.6K 303 22
                                    

The Korean Heartthrob Next Door

Chapter 2

____________________________

“Urghh, nakakainis na si Korean Boy, R!" Pagpapalabas ko ng inis kay R mula sa kabilang linya. Mula nung malaman ko na titira rin sa bahay namin si Korean Boy ay buong gabi kong tinawagan si R.

“Bakit ba? Dapat nga maging masaya ka dahil may titirang Koreano sa bahay niyo.” Sagot ni R at naiimagine ko na nakangiti siya at kung nasa tabi ko siya ngayon ay baka tinutusok niya na ang tagiliran ko. 

“Don't even get me started R!" Hindi ko na mapigilan ang pagsisigaw ko. Nakakainis kasi 'yong Korean Boy na yun. Umiinit lang ang ulo ko tuwing naaalala ko ang nangyari kanina. 

"I told you, we live in the same house." Napanganga ako at nagsitayuan ang mga balahibo ko sa leeg. No way. Nanatili akong nakanganga sa kinatatayuan ko. Napatingin ako sa gate nang biglang lumabas si Tita. 

“L, I know that you're old enough to wander on your own but don't be so impulsive.” Sabi ni Tita habang nakakipag-usap kay Korean Boy. Nagpalipat-lipat ang tingin ko mula kay Tita papunta kay Korean Boy at pabalik. No way. 

 

Hindi kumikibo si Korean Boy at parang binabalewala lang ang sinasabi ni Tita. Ang sama naman ng ugali niya. Binati ako ni Tita nang mapansin niyang nasa gilid lang ako. 

"Pasensya ka na Jul, hindi ko napansin na nandyan ka pala. Eto nga pala ang anak kong si L." Pagpapakilala ni Tita kay Korean Boy. Nginitian ko si Tita at Korean Boy. Hindi man lang niya ibinalik ang ngiti ko. 

 

"Umm, mauuna na po ako sa loob Tita. Sige po." Pagpaalam ko at tuluyan na akong pumasok sa loob ng bahay na maraming katanungan. Talaga bang dito siya titira? Bakit ang sama ng ugali niya? Trainee kaya siya sa Korea?

 

“Anak? Jul?” Nakatulala siguro ako kaya hindi ko napansin na nasa harap ko na si Mommy. Hinalikan ko ang pisngi ni Mommy at itinanong niya kung kamusta raw ang unang araw ko sa eskwela. 

 

“It was great po, Mommy.” Sagot ko at ngumiti. Napangiti si Mommy sa sagot ko at napansin kong nalipat ang tingin niya sa likod ko. Napalingon ako at nakita ko si Tita at Korean Boy. Napansin kong wala pang kahit isang emosyon na naipakita sa mukha ni Korean Boy. Ano kayang problema niya?

 

 “L, this is my bestfriend. She's Mrs. Roblez and the owner of this house.” Pagpapakilala ni Tita sa anak niya. Nginitian ni Mommy si Korean Boy pero may kinuha lang ito sa bulsa niya. Nang makita ko kung anong kinuha niya ay uminit ang ulo ko. 

 

Isinuot niya ang earphones niya at umalis na di man lang nagsasalita. Di ko napigilan ang sarili ko at naisip kong talagang masama ang ugali niya. Gwapo sana pero kabaligtaran naman ang ugali niya.

 

“L, don’t be rude.” Pagtawag ni Tita sa kanya. Hindi man lang siya bumalik. Mas lalong lumaki ang inis ko sa kanya. Humingi ng paumanhin si Tita kay Mommy dahil sa ugali ng anak niya.

The Korean Heartthrob Next DoorWhere stories live. Discover now