TKHND 37: He's my soulmate

8.3K 135 12
                                    

The Korean Heartthrob Next Door

Copyright © 2013 by michyeokpop

___________________________

Nakasakay ako ngayon sa taxi papuntang school. Nakatingin lang ako sa bintana ng taxi habang pinaglalaruan ang strap ng bag ko. Bigla na lang may pumisil ng pisngi ko kaya napatingin ako sa direksyon kung saan nanggaling ang kamay. 

"What are you thinking about? Are you thinking about L?" Tanong ni Wayde at nag grin. 

"Umm.. noo... How long will you stay at my house?" Tanong ko kay Wayde. Kinagat ni Wayde ang labi niya at nag-isip. Maya-maya lang ay biglang pinisil ni Wayde ang magkabilang pisngi ko.

"Oohh... Do you want L all for yourself? Hmmpp..." Medyo nakangiting sabi ni Wayde habang pinipisil parin ang magkabilang pisngi ko. Hindi ko mapigilang ngumiti rin at pinisil ko rin ang pisngi ni Wayde. 

Parang kuya ko na si Wayde...

Pumara na ang taxi at bumaba na kami ni Wayde. Sabay kaming naglakad papasok school grounds. Napansin kong nakatingin kay Wayde ang halos lahat ng babaeng students. 

"Si Wayde... Yung gwapong magaling sumayaw... Waaahh..." Narinig kong sabi ng isang schoolmate ko na nakatayo sa hallway na dinaanan namin. 

Kilala na nila si Wayde???

"Do you want to see me dance Jul? Come on... Your classes won't start yet..." Medyo nagpout si Wayde at hinila ako papunta sa dance room. Wala akong nagawa kaya sinundan ko si Wayde. 

Arya Jane's P.O.V

Maaga akong nakarating sa school. Dumiretso ako papunta sa classroom at iilang students palang ang nandoon. Inayos ko ang buhok ko at ang suot ko. 

I'm a model... so I have to look like one...

"Wayde... Yun yata ang name niya... Mukhang may bagong titilian na naman tayo..." Narinig kong sabi ng isang classmate ko. Medyo nacurious ako pero pinabayaan ko na. Napagdesisyunan kong maglakad lakad muna kaya lumabas ako sa classroom at hinintay si Jul.

Nakita kong nagbubulungan ang mga schoolmates ko at nagmamadaling pumunta sa dance room. Hinayaan ko na lang sila at pumunta sa entrance ng building. Napansin kong nagmamadaling pumasok ang mga babae at parang papunta sa dance room. 

"Nasa dance room raw si Wayde!" Sigaw ni Sunny na kasali sa grupong GLAM. I rolled my eyes at nakita kong nagmemake-up si Yui. Si Rainie naman nakatayo lang sa gilid ni Yui habang nakayuko. 

Ba't ba siya nagmemake-up ng ganyan kakapal?! Sobra naman yung nilalagay niya!

The Korean Heartthrob Next DoorHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin