TKHND 40: Unexpected situation

8.3K 114 10
                                    

The Korean Heartthrob Next Door

Chapter 40

__________________________

Pumunta ako sa music room para makita si Hanver. Hindi ko pa siya nasasabihan tungkol sa birthday party ni R mamaya. Binuksan ko ang pinto at nakita ko si Hanver na may inaayos na mga papel. Nilapitan ko si Hanver at tinapik ang balikat niya.

“Hanver, its my best friend’s birthday tonight and you’re invited...” Ibinaba ko ang bag ko sa sahig. Napatingin si Hanver sa akin at ngumiti.

“Really? I’ll come but what would I wear?” Tanong ni Hanver habang may binabasa sa papel. Napaupo ako sa tabi niya at nag-isip.

Ano nga ba?

“Umm.. I think R said something about wearing something formal…” Sabi ko habang nireremember ang sinabi ni R. Tumango si Hanver at tumingin sa akin. Itinaas ni Hanver ang relo niya at nakita kong malapit nang magstart ang klase.

“Wahh… I’ll see you later Hanver…” Lumaki ang mga mata ko at dali-daling lumabas ng music room. Nagmamadali akong pumasok sa classroom at nakita kong hindi pa nakakarating ang adviser namin. Umupo ako sa katabing seat ni R.

“Jul! Saan ka nanggaling?” Sabi ni R.

“Happy Birthday! Sinabihan ko lang si Hanver  tungkol dun sa party mo mamaya…” Kukunin ko na sana ang bag ko kaya lang hindi ko ito nakita. Hinanap ko sa ilalim ng seat ko pero wala ang bag ko doon. Nagulat na lang ako nang  biglang nagtilian yung mga kaklase ko.

Si Korean boy na siguro yun… Ang bag ko…

“Umm… Tasha, you left your bag…” Sabi ng isang boses malapit sa pintuan ng classroom. Napatingin ako sa direksyon kung saan nanggaling ang boses at nakita ko si Hanver na hinahawakan ang bag ko. Dali-dali kong nilapitan si Hanver.

“Thank you… I forgot about it…” Sabi ko kay Hanver. Ngumiti si Hanver at pinat ang ulo ko.

“You’re welcome and see you later…” Ibinaba na ni Hanver ang kamay niya at naglakad palayo. Nagsibalikan na sa kanya-kanyang upuan ang mga kaklase ko. Dumating na ang adviser namin at saktong pumasok rin ng classroom si Korean boy.

Umupo na rin ako sa seat ko at umiwas na tumingin kay Korean boy. Naaalala ko kasi yung nangyari kahapon at hindi ko makontrol ang mga something sa tiyan ko. Buong umaga nakinig lang ako sa teacher at hindi tumingin kay Korean boy. Natapos na rin ang morning subjects at lunch na.

“Sister-in-law!” Bati sa akin ni Nicole. Nginitian ko siya at inakbayan ako ni Nicole. Sabay kaming apat na naglakad papasok ng cafeteria. Alam kong nasa likod lang naming si Korean boy kaya hindi ako nagtangkang lumingon. Bumili na kami ng mga lunch namin at kinain ito.

“Nicole you’re invited to my birthday party tonight…Wear something formal…” Sabi ni R pagkatapos niyang inumin ang juice niya.

The Korean Heartthrob Next DoorTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang