Special Chapter 1

2.8K 67 47
                                    

Tasha's P.O.V

This is the day. Finally, two hearts with one genuine intention will be united.

Napatingin ako sa salamin at natanaw ko ang repleksyon ko. Nakahalf-up do ang buhok ko at wavy naman ang dulo nito. Tama rin ang pagkakalagay ng make-up ko. Hindi ko napigilang ngumiti sa nakita ko.

I look different yet it's still me.

"Jul, okay lang ba ang pagkaayos sa'kin?" Napalingon ako nang tawagin ni R. Ang ganda talaga ng best friend ko. Napangiti ako habang nakathumbs up.

"You look stunning, R."

Nawala naman ang kaba sa mukha niya at lumapit siya sa kinauupuan ko. Pareho kaming napatitig sa salamin.

"This is it Jul. We're no longer 16 and I just can't believe that this is happening." Sabi ni R. Napatango ako. Nagmature na kami not only physically but also mentally and emotionally. Napabuntong hininga ako sa kabang nararamdaman ko.

"This is the day, R. Kinakabahan ako at baka matapilok ako habang naglalakad sa aisle."

"Sabi naman kasi sa'yo na magpractice ka ng heels pero pinipili mo parin 'yang sneakers mo. Mabuti na lang at sanay na akong magcatwalk na naka-heels." Pagtutukso ni R. Napapout ako habang tinititigan ang suot kong heels.

"Ladies, magsisimula na ang opening ceremony. Let's go." Napatingin kami sa pinto nang magsalita ang event organizer. Napahinga ako ng malalim at hinawakan naman ni R ang kamay ko. Nginitian niya ako at sumunod na kami sa event organizer.

Naglakad kami palabas ng dressing room at napanganga ako sa ganda ng venue. Labas palang nang venue ay talagang pinaghirapan. May fountain at fairy lights pa. Marami ring tables and chairs na nakapalibot.

"Wow." Di ko napagilan ang sarili ko. Narinig ko ring napasinghap si R. Maya maya lang ay hinila na ako ng event organizer.

"I'm sorry but I need Tasha to be in position now. You could talk later." Kumaway lang si R habang anlaki ng ngisi niya. I gulped. This is it.

Ipinuwesto na niya ako sa linya at agad ko namang hinanap si Isabelle. Nagpalibot libot ang tingin ko pero hindi ko siya natanaw. Biglang tumunog ang piano at napatingin na ako sa harap. Naramdaman kong lumakas ang pagtibok ng puso ko.

One step. Two steps. Three steps.

Nagsimula nang gumalaw ang linya at sa mga paa ko lang ako nakatutok. Ayaw kong matapilok habang lahat ng mga mata nila ay nasa'kin.

Nasaan na ba si Isabelle?

Nang malapit na kami sa entrance ay may biglang dumikit at hinawakan ang wrist ko.

"I'm sorry. I had to do something important." Napangiti naman ako nang dumating si Isabelle. Si Isabelle ang pinsan ni Ate Des at mas bata siya sa'kin ng 3 taon.

"It's okay. I'm just glad you're here. Can I hang onto you while we're on the aisle? I can't walk in these heels." Napatawa siya while rolling her eyes.

Nakapasok na kami sa entrance at lahat ng mga mata ay napako sa amin. Napatingin ako kay Isabelle at ang natural ng ngiti niya. Sanay na siya sa atensyon. Sinubukan ko ring ngumiti habang inaayos ang paglalakad.

Natanaw ko sina mommy at papa sa bandang unahan kasama sina Hanver, R at Wayde. Nang malapit na kami sa altar ay mas lumaki ang ngiti ko nang makitang kinakabahan si Kuya Ken kasama si Kuya Carl. Nagtagpo ang mga tingin namin at nagthumbs-up ako sa kanya.

The Korean Heartthrob Next DoorWhere stories live. Discover now