TKHND 42: Glam reappears

8.1K 129 29
                                    

The Korean Heartthrob Next Door

Chapter 42

_____________________________

(Read tha A/N at the end. New trailer at the side =====>)

Nakahiga ako ngayon sa kama ko. Nakatingin lang ako sa ceiling habang nagpapakalma. Mabuti na lang at wala sina Mommy at Papa dahil pumunta sila sa isang business meeting sa Cebu. Umiba ako ng pwesto at biglang tumunog ang phone ko.

Gurae wolf

Naega wolf

Awoo~

Ah, saranghaeyo!

Sinagot ko ang tawag at nagulat nang biglang sumigaw si R mula sa kabilang linya.

“JUL!!! Ano nang nangyari?! Nasaktan ka ba?! Sabi kasi ni kuya Ken bigyan raw muna kita ng time para kumalma pero nag-aalala na ako!” Medyo inilayo ko ang phone mula sa tenga ko at binalik ito nung medyo humina na ang boses ni R.

“Okay na ako R… Mabuti na lang at dumating sila kuya Ken. Pero may nakilala akong mabait na gangster… Umm… Jane? Jek? Jack? Basta J yung pangalan niya.”

“J? Pero be honest Jul… Okay ka na ba?” Seryosong tanong ni R. Napabuntong hininga ako at nahiga sa kama ko.

“Honestly, medyo natatakot parin ako… Twice na nangyari sa akin to… Hindi natin alam baka mangyari na naman ito sa sunod pero wala nang magliligtas sa akin…”

“Maghire ka ng bodyguards Jul! O kaya magkarate or self-defense class ka… Kung gusto mo maghahanap ako ng bodyguard para sa’yo…” Sagot ni R. Umiling-iling ako at umupo sa kama.

“Huwag na R… Pasensya na at sinira ko ang birthday party mo… Hindi ka tuloy nakapag-enjoy…”

“What?! This is the best birthday ever. I get to dance with Wayde and he even kissed me! Well, except for the part na nakidnap ka… Sigurado ka ba talaga na ayaw mo ng bodyguard?” Napangiti ako ng konti.

“Sure na R… I think I’m sleepy… See you tomorrow R and thank you…”

“Okay, bbye Jul at good night…” Ibinaba ko na ang phone at ipinatong ito sa desk ko. Nakita ko ang deer na stuffed toy na ibinigay ni Hanver. Kinuha ko ito at nahiga ulit sa kama. Tiningnan ko lang ang stuffed toy at bigla kong naisip si Hanver.

Kamukha nga talaga ni Hanver ang stuffed toy na ito…

“You should have just called me if you missed me instead of staring at that deer…” Nagulat ako nang marinig ang boses ni Hanver. Nabitawan ko ang stuffed toy at napatingin kay Hanver na nakatayo sa pinto. Umupo ako sa kama.

The Korean Heartthrob Next DoorWhere stories live. Discover now