TKHND 43: Mr. wise and Ms. naive

7.1K 122 68
                                    

The Korean Heartthrob Next Door

Chapter 43

_____________________________

“Naega malhandamyeon nan dangsin-i neomu naleul joh-a malhal geos joh-ahaseyo?”Sabi ni Korean boy. (If I tell you i like you will you say you like me too?)

Huh??? Hindi ko maintindihan si Korean boy…

Hinawakan ni Korean boy ang pisngi ko. Naramdaman kong uminit ang pisngi ko habang nakatingin kay Korean boy. Dahan-dahang inilapit ni Korean boy ang mukha niya sa mukha ko. Bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ako makagalaw.

“I really like-”

“The color pink.” Naputol ang sinasabi ni Korean boy nang biglang sumilip mula sa pinto si Wayde at pinatuloy ang sasabihin ni Korean boy. Tiningnan ko si Wayde at pabalik kay Korean boy. Ang lapad ng ngiti ni Wayde habang tinitingnan naman siya ng masama ni Korean boy.

Gusto ni Korean boy ang color pink??

“Aish! Dangsin-eun jigeum dangsin-i peongkeu leul pagoe!” Sigaw ni Korean boy kay Wayde. Napaatras naman si Wayde habang nakataas ang dalawang kamay niya. (You ruined the moment you punk!)

“Mianhe, nan jeongmal jaemi iss-eul geola saeng-gag haess-eoyo.” Sabi ni Wayde habang pinipigilan ang tawa niya. (Sorry, I really thought it would be funny.)

“L likes the color pink?” Bigla kong nasabi at napatingin sa akin sina Wayde at Korean boy. Ilang segundo ang lumipas at biglang napatawa si Wayde. Nakahawak sa tiyan niya si Wayde habang tumatawa. Ginulo ni Korean boy ang buhok niya.

“O-okay… Let’s go to the cafeteria now.” Sabi ni Wayde. Naglakad na kaming tatlo palabas ng classroom at nagsitilian naman ang mga babaeng schoolmates ko.

“Waaahhh!!! Si Hanver na lang ang kulang!!!” Sigaw ng isang schoolmate ko. Napatawa ako ng kaunti at napansin naman ni Wayde at Korean boy ang pagtawa ko. Inakbayan ako ni Wayde at mas lalong tumili ang mga schoolmates ko.

“Ang swerte talaga ni Tasha!”

“Why are you laughing?” Bulong ni Wayde. Sasagot na sana ako ng biglang may pumagitna sa amin ni Wayde. Biglang hinawakan ni Korean boy ang kamay ko. Napatingin ako sa mga kamay namin at biglang uminit ang pisngi ko.

Naglakad kami papunta sa cafeteria. Nakarating na kami sa cafeteria pero hinahawakan pa rin ni Korean boy ang kamay ko. Napatingin sa amin ang mga students sa cafeteria at may narinig akong sigaw ng isang babae.

“Impossible!!!” Hinanap ko kung saan nanggaling ang boses at biglang lumitaw sa harap namin si Yui. Nakasimangot siya at ang sama ng tingin niya sa akin.

The Korean Heartthrob Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon