TKHND 3: Answer

15.3K 270 32
                                    

The Korean Heartthrob Next Door

Chapter 3

____________________________

Dahan-dahan na akong nagising. Nakikita ko na ang liwanag galing sa bintana. Bumangon ako at pinunasan ang mga mata ko. Napatingin ako sa paligid at nang hindi ko kwarto ang nakita ko ay nagising na ako ng tuluyan. Nakatulog na pala ako sa library namin. Tatayo na sana ako pero napansin ko ang isang kumot na nakapatong sa paanan ko. 

“Sino kaya ang nagkumot sa akin kagabi?” Tanong ko sa sarili ko. Mukhang hindi ko naman ito kumot.

 

Si Mommy kaya? O di kaya'y si Tita? O di kaya'y- Hindi ko na pinagpatuloy ang naiisip ko. Imposibleng siya ang naglagay ng kumot sa akin. Paano naman niya nalaman na nandito ako sa library. Si Korean Boy? Nope. Si Mommy siguro.

Tumayo na ako at pinagdesisyunan na si Mommy ang nagkumot sa akin. End of discussion. Nang madaanan ko ang coffee table na nasa gilid ng cleopatra styled na sofa ay napansin ko ang isang makulay na papel. Kinuha ko ito at binasa.

 

Dear Jul anak,

Sorry kung note na lang ang iniwan ko. Umalis na kami ng Tita mo papunta sa California. Dun gaganapin ang convention at conference. Sigurado akong late ka na kapag nabasa mo ito. Hindi na kita ginising pa dahil ang himbing ng tulog mo. Take care at I love you anak. Huwag mo palang kalimutan ang deal natin ha. 

Love,

Mommy

Ibinaba ko na ang note na sinulat ni Mommy at napangiti. Pero hindi parin mawawala ang lungkot dahil mamimiss ko na naman sila ni Papa. Natandaan ko ang sinulat ni Mommy na baka late na ako. Dali-dali akong tumingin sa wall clock at napasigaw ako.

"8 na?! Nag-uumpisa na ang klase ko." Nagmamadali akong lumabas sa library at  tumakbo paakyat sa hagdan. Agad-agad akong pumasok sa kwarto ko at kinuha ang twalya ko. Pumasok na ako sa banyo at pagkatapos ay nagbihis at nag-ayos. Sinuot ko ang palda ng uniform ko at kinuha ang wristwatch ko. 

Napatingin ako sa wristwatch ko at nakita kong 8:17 AM na. Mas lalo kong binilisan ang pagsuot ng sapatos ko at nagmamadaling bumaba sa hagdan. Pagkalabas ko ng bahay ay dali-dali akong tumakbo papunta sa kanto para mag-abang sa taxi.

Napatingin ako ulit sa wristwatch ko at nakita kong 8:20 na. Late na talaga ako. Maya-maya lang ay pumarang taxi na rin at sumakay ako kaagad. Inayos ko ang kwelyo ng uniform ko habang nakasakay sa taxi. Bakit kasi kaialangan na kaagad mag uniform? Habang naghihintay akong makarating sa Xavier International Academy ay parang may natandaan ako. 

Natatandaan kong may nakalimutan ako. Ano bang nakalimutan ko? Sinubukan kong matandaan pero hindi parin. Biglang may umilaw sa isip ko. Paano ko ba naman nakalimutan? Napakaimportanteng bagay, nakalimutan ko pa. Nakalimutan kong pakinggan ang kanta ng EXO. Nasanay na siguro akong napapakinggan ang kanta nila tuwing umaga.

 

Nakarating na rin ako sa school at dali dali kong iniabot ang bayad ko. Nang  kunin na ni Mnaong driver ang bayad ay kumaripas ako ng takbo papasok sa school. Natanaw ko si R at ang ibang estudyante na nakatayo sa harap ng locker niya sa hallway. Nang maabutan ko na siya ay pinatong ko ang mga kamay ko sa tuhod ko habang hinahabol ang hininga ko.

The Korean Heartthrob Next DoorWhere stories live. Discover now