TKHND 27: Charming nuisance

10K 146 48
                                    

The Korean Heartthrob Next Door

Copyright © 2013 by michyeokpop


____________________________


Geunyoreul jikyora…

Naritji mothage…

Nae nimi gyesin got…

Kkeutkkaji garyonda…

Bumangon ako at parang mabigat ang ulo ko. Pinatay ko ang alarm ko at bigla akong napaupo sa kama. Ang sakit ng ulo ko. Kinapa ko ang noo ko at ang init.


Waahhh… May lagnat ako…

Tumayo na ako at lumabas ng kwarto. Uminom ako ng tubig at nakita ko si manang Gha na naglalakad papunta dito.


“Jol… Ang aga mo yatang nageseng?” Nginitian ko lang si manang Gha at ngmuiti rin siya.


“Medyo masama po kasi ang pakiramdam ko…” Pagkatapos kong magsalita ay inubos ko na ang isang basong tubig at umupo sa isang dining chair.


“Nako! Mukhang may saket ka nga Jol… Magpahinga ka na lang mona at huwag ka nang pomasok sa schol..” Kinapa ni manang Gha ang noo ko at napiling siya. Napatawa ako dahil nakakatawa yung ekspresyon ng mukha ni manang Gha.


“Sige po manang Gha… Kung magtatanong po si L kung nasa school na ako pakisabi nalang po na hindi muna ako papasok…” Kumuha si manang Gha ng isang basong tubig at binuksan niya ang cabinet na nasa upper part. Ibinigay niya sa akin ang baso at nagsenyas na ilahad ko daw ang palad ko. Nilahad ko rin ang palad ko at may inilagay siyang gamot.


“Inomen mo lang yan pagkatapos mong komain… tatlong beses sa esang araw… Hende na kase keta maaalagaan Jol… Oowi mona ako sa amen… Nagkaroon kase ng problema…Pwede ba?” Medyo nahihiyang sabi ni manang Gha.


“Opo naman manang Gha… Okay lang po.. kaya ko na po ang sarili ko po…” Nginitian ko siya at ibinalik niya ang ngiting iyon.


“Salamat Jol.. Ang bait mo talagang bata… Maghahanda na lang mona ako ng almosal at saka ako aales” Tumayo na si manang Gha at naghanda ng almusal. Umakyat ako sa hagdan at muntik na akong madapa. Mabuti na lang at nakakapit ako sa handles ng hagdan. Nakatayo na ako sa harapan ng pinto ng kwarto ko at papasok na sana ako nang bumukas ang pinto ng kwartong katapat ng sa akin. Lumingon ako at nakita ko si Korean boy na bagong gising pa lang.


“This is your fault…” Hindi ko naman siya sinisisi kung bakit ako nagkasakit pero parang kasama na rin siya sa mga dahilan kung bakit ako lumabas at naulanan at nagkasakit.


“What?” Nilingon ko siya ulit at tuluyan ko na siyang hinarap.

The Korean Heartthrob Next DoorWhere stories live. Discover now