“Chill, Casper. I’m just going to tell you something you deserve to know.”

“And that’s the reason why I’m this nervous right now.” He blew a loud breath. “pakiramdam ko aatakihin ako sa puso.”

“Kalma ka nga lang, okay? Trust me.” Hinalikan ko ang likod ng palad niya dahilan para mapatingin siya sa akin.

He took a deep breath and sighed. Kalmadong ibinalik niya ang tingin sa daan kaya napangiti ako at umayos sa pagkakaupo.

Lihim akong huminga ng malalim para pakalmahin ang mabilis na pagtibok ng puso. Kanina ko pa ‘to nararamdaman pero hindi ko kayang pigilan.

I’m scared and nervous at the same time, actually. Natatakot ako na baka sisihin na naman ni Casper ang sarili nito kahit wala naman itong ginawang masama. Kinakabahan ako sa gagawin at iisipin nito kapag nalaman na niya ang buong katotohanan.

But I need to tell him. He deserve to know about what happened to our daughter.

Like what I’ve said, after we ordered, I turn over and drove the car to the place I wanted to show him. Bumili rin kami ng bulaklak na ipinagtaka nito pero wala na akong sinabi kung para kanino. Hindi naman ‘to kalayuan kaya mapapabilis lang ang biyahe namin pero mukhang doon na kami kakain. I’m starving but I can handle it.

Ang atensyon ko ay nasa daan lang kaya hindi ko alam kung anong itsura na ang ginagawa ni Casper. Lumiko ako sa kaliwa at bumungad sa amin ang lugar na nais kong puntahan.

A cemetery.

I parked my car in the parking space provided and when I finished, I looked at the man beside me. Kunot ang noo nito pero pansin ko ang pagtaas baba ng adams apple nito. Siguro dahil sa kaba o sa kaguluhan kung bakit kami nandito.

“Let’s go.” I reassuringly smiled at him when he glanced at me. 

Humugot ito ng malalim na hininga kapagkuwan ay tumango.

“Yeah. Let’s go.”

Nauna na akong lumabas sa kotse at kinuha ang bulaklak na binili bago siya sumunod. Pinagsiklop nito ang kamay sa akin bago kami pumasok sa loob. Tahimik lang ito at hinihintay kung saan kami hihinto at hinayaan ko lang ito. Napakalamig ng kamay nito pero naiintindihan ko. He has no idea at all why are we doing in this kind of place.

Gumuhit ang maliit na ngiti sa aking labi nang makita ang mausoleum ni Alora at papa. Magkatabi ang kanilang puntod dahil ‘yon ang nais ko. In that way, I know my baby is in good hands with her grandfather.

Binuksan ko ang mausoleum at pinapasok si Casper na tahimik parin kapagkuwan ay inilapag sa pagitan ng puntod ni Alora at papa ang bulaklak. Parang hindi na nga  humihinga itong si Casper o baka pinipigilan lang.

“They’re..” he glanced at me with his teary eyes. Masuyong ngumiti ako dito at inabot ang kamay nito para siya’y pakalmahin.

“I really, really wanted to tell you about this but I was too busy. Nawala rin sa isip ko pero ngayon na binigyan ako ng pagkakataon, gusto kong malaman mo ‘to.” Bumuntong hininga ako bago muling nagsalita. “Aquila had a twin sister but unfortunately, she didn’t make it. Kasabay ng pagkawala niya ay ang pagkamatay rin ni papa. I was in vain and devastated of what happened but as time goes by, I slowly accepted the fact that they’re gone. That they’re already guiding us above and Alora is in good hands. Sinisi ko ang sarili ko dahil naging mahina ako kung kaya’t binawian ng buhay si Alora. Ilang beses nang sinabi ng doktor na lumayo ako sa stress pero masyadong matigas ang ulo ko. I was always overthinking because my father is also suffering that time. He refused to take a heart surgery and.. it ended his life. Pakiramdam ko napakawalang-kwenta kong ina dahil hindi ako nagpakatatag. Napaisip ako noon, kung naging matatag ako at lumayo sa stress, baka hanggang ngayon nandito parin si Alora. Siguro may kalaro si Aquila sa bahay at dalawa ang prinsesa natin. Hindi ko halos matanggap ang nangyari kaya kailangan kong magpa-konsulta sa doktor. I needed to take medication and slowly.. accepted everything. And I did it. Tinanggap ko ang lahat, ang pagkawala ni papa at ang pagkawala ng isa kong prinsesa. Si Aquila ang natatangi kong rason kung bakit masaya ako, matatag at hindi sumusuko. Kasi alam ko, alam kong may nag-iisang tao ang naghihintay sa akin palagi.”

SOLD TO THE BILLIONAIREUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum