PROLOGUE

4.3K 87 0
                                    

Prologue

"PUTANGINA wala bang alak?!"

Kagat ang labi at pagtakip sa magkabilang tainga ang tangi kong nagawa habang pinapanood ang ama ko na guluhin ang kusina para lang makahanap ng alak. Lasing na nga siya, iyon pa ang una niyang hahanapin sa pag-uwi sa bahay. Wala man lang dalang ulam para sa aming magkakapatid.

"Ate, natatakot na ako."

Bumaba ang tingin ko kay Nicky nang hilahin niya ang damit ko. Sinubukan kong ngumiti dito at laking pasasalamat ko na nagawa ko ito.

"Nandito naman si Ate. Hindi ko kayo pababayaan."

"Pero si Tatay.."

Ginulo ko ang buhok ng bunsong kapatid namin na si Veronica.

"Hayaan na natin si Tatay. Hindi naman 'to bago sa 'tin."

Muli akong napapikit nang makarinig ng mga pinggan na nabasag. Nagsimula ng umiyak ang dalawa kong kapatid at wala akong nagawa kundi yakapin sila para maibsan ang kanilang takot sa Tatay namin. Kung may sapat lang sana akong lakas para labanan si Tatay, matagal ko na 'yong ginawa. Kung sana may sapat akong pera para itakas ang mga kapatid ko, iyon agad ang una kong gagawin.

Nagsimula lang namang maging ganito si Tatay nang mawala ang Ina namin sa isang aksidente. Simula noon, hindi na ito tumigil sa pag-inom kaya sa huli, ako ang gumagawa ng paraan para buhayin ang dalawa kong kapatid. Kahit baliktarin naman ang mundo, Tatay parin namin siya at kung wala siya dito, wala din kami dito sa mundo.

Hindi na ako nakapagtapos ng kolehiyo na isang taon nalang sana dahil sa nangyari. Ayos lang din naman sa 'kin dahil ang importante sa akin ngayon ay ang mga kapatid ko.

"Coleen!"

Halos mapatalon ako sa gulat nang dumagundong ang malakas na sigaw ni Tatay sa maliit naming bahay. Tumayo ako para puntahan ito kahit pinipigilan ako ng mga kapatid ko.

"Ate.."

I know they were worried. Pero alam kong sanay na rin sila dahil halos araw-araw ganito ang routine sa bahay.

"Coleen! Potek nasaan ka ba?!"

"N-Nandiyan na po!"

Ginulo ko ang buhok ng mga kapatid ko bago patakbong tinungo ang puwesto ni Tatay na nakasandal sa sink at may sigarilyo na hinihithit. Tumama sa akin ang matalim nitong tingin na halos ikapanlambot ng tuhod ko.

"Ibili mo ako ng alak sa tindahan. Dagdagan mo na rin ng yosi dahil ubos na 'yong akin."

Mariin na napalunok ako at ilang beses na sinubukang magsalita para sabihin ditong wala akong pera para ibili ang gusto niya pero hindi ko kaya. Nanginginig ako sa takot. Baka kung anong gawin niya sa mga kapatid ko kapag hindi natupad ang gusto niya.

"Ano?! Tatayo ka lang diyan?!"

Sa pagkakataong 'yon, wala na akong nagawa kundi tumalikod at lumabas ng bahay para pumunta sa tindahan at gawin ang utos nito. Kung may tindahan pa bang magpapautang sa akin ay isa 'yong himala. Hahanap nalang ulit ako ng paraan para makapagbayad sa kanila ng buo.

"Tao po, Aling Rosa. P-P'wede po bang umutang ng isang alak at isang kaha ng sigarilyo?" Tanong ko sa tindera na masuyong ngumiti sa akin.

"Di-diretsuhin na kita, Coleen. Sobrang haba na ng listahan mo dito ng utang at baka malugi na ako."

Kinagat ko ang nanginginig kong pang-ibabang labi at nagmamakaawa itong tiningnan.

"K-Kahit ito nalang po. Maghahanap ako ng paraan para makabayad po sa inyo ng buo."

SOLD TO THE BILLIONAIREWhere stories live. Discover now