CHAPTER 28

899 26 0
                                    

Chapter 28

“Go Nyx! Get the last goal!”

Malakas na hiyawan ang pumailanlang sa buong soccer field nang maagaw ni Onyx ang bola sa kalaban. It’s actually their practice game so basically, taga ibang University ang kalaban nila. Halos puno ang soccer stadium sa simpleng laro pero nakaka-excite mapanood kung sino ang mananalo.

Napatayo ako sa tuwa nang ma-goal nga ni Onyx ang panghuli bago mag time out. Kasama ko sina Fe, Michelle, at Jim sa panonood at may taga ibang University rin ang nandito para makinood. Malapit kami sa kanilang bleacher kaya hindi mahirap para kay Onyx na makita kami.

He wave at us and we do the same. Puno ng pawis ang katawan niya pero ang guwapo-guwapo parin. I know I seldom complement someone aside from Casper but it’s real, Onyx is insanely handsome.

“Titig na titig naman ‘yan.” Siniko ako ni Fe na ikinasimangot ko saka siya nilingon at sinamaan siya ng tingin.

“Baka gusto mong itulak kita?”

Tumawa lang siya at tinapik ako sa balikat.

“Si Onyx ang ibig kong sabihin, hindi ikaw.”

Kumunot ang noo ko at napatingin sa gawi ni Onyx. To my shock, he’s really staring at me. Itinaas nito ang isang kamay at muling kumaway kaya wala sa sariling kumaway din ako pabalik.

I lick my lower lip and averted my gaze. Natapos ang time-out at balik na sila sa paglalaro kaya doon na tumuon ang atensyon ko.

Malayo na ang gap ng score kaya imposible na para sa mga kalaban na humabol pero hindi nagpakampante ang grupo nina Onyx. In the end, they won the game and everyone in the soccer field exclaimed in happiness. Including us.

“Mang-libre sana si Onyx!” Fe cheered and I rolled my eyes at her.

“Practice game ‘to, hindi competition.”

She stilled at that. Hilaw na natawa siya at napakamot sa batok.

“Oo nga pala.”

“Tara na.” si Michelle na inaaya na kami dahil sunod-sunod na rin ang pag-alis ng mga tao.

‘Yon nga lang, hind kami agad nakalapit kay Onyx dahil pinapalibutan ito ng mga taga ibang University na humanga sa kanya sa paglalaro. May mga journalism rin doon na kinukuha ang panayam niya at kabilang na doon ang sa amin.

“Mukhang matatagalan pa ang kaibigan natin.” Ani Jim na tinanguan namin.

“Hintayin nalang natin siya sa labas?” suhestiyon ko at hindi naman sila tumanggi.

Hinintay namin si Onyx ng mga ilang minuto at kasama niyang lumabas ang kanyang team at coach. Kumaway kami sa kanya para mabilis niya kaming makita at hindi naman kami nabigo. Nagpaalam lang siya sa mga kasamahan saka patakbong lumapit sa amin.

“Congrats!” Masayang salubong ko at binigyan siya ng mainit na yakap.

“Thank you.” He tap my back before letting me go. “akala ko talaga hindi ka manonood.”

“’Di ba sinabi ko nang manonood ako? Wala ka talagang tiwala sa akin!”

Natawa lang siya at napakamot sa batok. Kung sa bagay, naging busy rin ako these past few days kaya gano’n nalang ang kanyang nasabi na hindi ako makakapanood sa practice game nila. But I promise him that I will watch their practice game. Mabuti nalang at maaga natapos ang kanilang laro kaya may oras pa ako para sa trabaho ko mamaya.

“Sorry naman. Akala ko kasi hindi ka papayagan ng boyfriend mo.” Anito at napakamot ako sa noo dahil rito.

“Hindi naman gano’n si Casper. He’s actually a supportive boyfriend.”

SOLD TO THE BILLIONAIREWhere stories live. Discover now