CHAPTER 36

863 32 0
                                    

Chapter 36

For the past few days since I got home, I still manage to function well even though I want to give up. May pagkakataon na gusto ko nalang sumuko o mag-isip ng masama ngunit inaalala ko ang aking anak. Gusto kong masilayan nito ang mundo, ayokong sa huli ay magsisi ako.

I also told Casper everything happened in Davao. He seems shock and bewildered about it but he’s sincerely happy for me. Ngunit hindi ko magawang maging masaya sa’tuwing umuukit sa isip ko ang nangyari. Simula no’ng bumalik ako, I felt like I didn’t belong to his world all of the sudden. He seems unreachable and difficult to approach. Ang laki ng pinagbago simula noong nalaman ko ang tungkol kay Lilliene.

Alam ko namang tama ang hinala ko pero natatakot akong sabihin kay Casper. Anong gagawin niya? Anong naiisip niyang hakbang kapag nalaman niyang alam ko ang tungkol kay Lilliene?

I love him so much that it scares me to leave him but I didn’t think the opposite. Na baka sa huli ay siya ang mang-iwan sa akin. Na mas pipiliin niya si Lilliene dahil magkaka-anak na sila.

But we have our baby too. Siguro kung nasa ibang sitwasyon kami, sobrang saya ko habang pinapaalam kay Casper ang tungkol rito. Kaso hindi, ito ang realidad ko.

I don’t even know how did I pretend while I’m with him. Hindi ko alam kung paano ko nagagawang ngumiti ng matamis sa kanya kahit kabaliktaran ang pinapakita ng aking mga mata. Gusto kong maiyak sa sakit ngunit kagaya ko, pagod na rin ang mata at puso ko. Nakakamangha nga na hanggang ngayon ay wala parin siyang kaalam-alam.

We both got busy after a few days because our pageant is coming. Hindi pa naman malaki ang tiyan ko kaya hindi ‘to mahahalata kahit mag swim suit attire ako. My stomach is flat as hell.

Sa ngayon, gusto kong wala munang iisipin bukod sa pageant. I already told my sisters about this and they were too happy. Kaya pinangako ko sa kanila na babalik kami sa davao para kitain si papa.

“Ayan! Forda rarampa na ang ferson!” Juls as usual being a bubbly and loud gay.

Itinirik ko ang mata dito at inayos ang naka-curl na buhok. It looks simple yet fierce. Hindi ako nagkamaling si Fe ang kinuha ko para mag-asikaso sa buhok ko.

“Sana may pakinabang rin ‘yang bibig mo at i-cheer ako.”

“Aba, of course sissybels! Gusto mo bumirit pa ako. Nahihiya ka lang mag request.”

“Baka matalo ako.” Ngisi ko at ambang hahampasin niya ako nang mabilis akong lumayo.

I just smiled at him before I sat in front of my vanity mirror. Huminga ako ng malalim at matiim na pinakatitigan ang sarili. I look different right now and I’m confidently beautiful. Medyo nanaba ang pisngi ko pero hindi naman masyado para mahalata kaya panatag akong walang makakaalam.

I clutched my stomach and caress it softly. Ang anghel na nasa loob ko ang siyang pinanghahawakan ko ng lakas nitong mga nakaraang araw. Alam kong naging malabo na kaming dalawa at hindi ko naman ‘yon kasalanan. If Casper will tell me about them, then let’s see what I can do.

Mabuti nga at huling araw na ‘to ng Intramurals at may dalawang araw kami para magpahinga. Ang dalawang araw na ‘yon ay maglilinis talaga sa buong campus pero sa kalagayan ko ngayon, hindi ako makakasali.

Tumakbo pa kami ng anak ko ng ilang metro dahil sa pesteng fun run na ‘yon dahil dapat lahat ng estudyante sasali. Though, I did not run as fast as they can. Normal lang na takbo o ‘di kaya ay paglalakad dahil gusto kong siguraduhin ang kalagayan ng anak ko.

“Ang ganda naman ng manok namin!”

Napalingon ako sa pinto nang pumasok si Fe kasunod si Michelle na malaki ang ngiti para sa akin. I smiled at them and stood up to embrace them. Napatalon pa ang dalawa sa tuwa pero dahil naka hills ako ay hindi ko magawa. Mahirap na, kailangan kong mag doble ingat lalo pa’t buntis ako.

SOLD TO THE BILLIONAIREWhere stories live. Discover now