CHAPTER 52

987 37 0
                                    

Chapter 52

Magkasama kaming tatlo nina Caleb at Casper na kumakain sa kuwarto dahil ayaw mapahiwalay ng bata sa akin. Gusto ring matutukan ni Casper ang kalagayan ko na kahit papaano ay ayos na ngayon. Kaunti na lang ang sakit sa ulo ko at hindi na rin ako nahihilo. Thanks to the medicine he gave me, I’m feeling much better now.

“Say ahh, mommy.”

Ngumanga ako at tinanggap ang isinubo ni Caleb na isang slice ng apple. Nakangiting ginulo ko ang buhok nito dahil sa sobrang kakulitan. Kanina pa niya ako sinusubuan na hinahayaan ko lang dahil doon masaya ang bata.

While Casper? He’s patiently watching us.

“Eat properly, Caleb. We need to go out, remember?” Paalala ko rito at tumango lang ang huli bago nagpatuloy sa pagkain.

I already talked to Casper regarding this but I did not tell him the real reason. Sinabi ko lang na ipapasyal ko si Caleb dahil matagal na rin no’ng huli kaming nagkasama. Sakto namang may business meeting siya kaya pinaubaya niya muna si Caleb sa akin. Which is I gladly accept. At least matagal-tagal ang pagsasama ng dalawang paslit pag nagkita na sila mamaya.

Kaya kailangan naming magmadali dahil sigurado akong hinihintay na ako ng anak ko. Alam ko ring magiging abala si Dio dahil ngayon ang meeting niya na sadya rito bukod kay Casper.

I’m just hoping that this will went well. I will take the risk. At kung ano man ang mangyari pagkatapos nito, bahala na. Sa ngayon, ang importante lang sa akin ay magkita ang magkakapatid, kahit hindi nila ‘to alam.

“Gusto mo ihatid ko na kayo? Mamaya ko pa ipapakuha ‘yong kotse mo sa bar.” Saad ni Casper at dahil sa binanggit nito ay naalala ko na naman ang nangyari kagabi.

It’s vogue but I remember most of it. Kasi hindi ako sigurado kung may nangyari ba na hindi ko naalala at ayokong tanungin si Casper. Napaka-walang hiya ko pa naman kagabi.

But last night, he did a great job. Oo lasing ako pero sariwa sa isip ko ang ginawa niyang pagbabantay sa akin kagabi. He never let other men approach me. Hindi ko nga alam kung nag-enjoy ba ito kagabi dahil panay tanggi nito sa mga paanyaya ng mga babae.

Why? Dahil ba nandoon ako at walang magbabantay sa akin? Or did he finally learn his lesson?

“Salamat pero mag ta-taxi na lang kami. Malayo ‘yong pinag s-stay-han ko at ‘di ba may meeting ka pa ngayong umaga? You shouldn’t be late.” I said.

Puno ng pagdadalawang-isip ang tingin nito sa akin pero kahit anong sabihin niya ay hindi ako papayag. Mahirap na, baka bigla silang magkita ni Aquila. Hindi pa ako handa.

“Oh, right. But how about for later? Should I fetch Caleb or—”

“I want to be with mommy! We will sleep together, dad.”

“No, Caleb. You won’t do it. She has its own life, okay? Susunduin kita at h’wag kang aangal.”

Balak pa sanang magreklamo ng bata pero pinigilan ko na. Ayokong isipin ni Casper na parang kinukuha ko na sa kanya ang anak niya. He is the father and he has the right to decide for this. Ayos lang naman sana pero parang hindi angkop lalo na sa sitwasyon namin.

“It’s okay, Caleb. Magkikita parin naman tayo. Remember what I told you about your dad? Makinig ka sa kanya. He knows what’s best for you.” Masuyong saad ko para hindi na ‘to maka-angal.

Ngumuso ang paslit tanda na hindi ito sang-ayon pero sa huli ay tumango parin naman. Napangiti ako at hinalikan ang noo nito.

“Good boy. I will make sure you’ll enjoy this day.”

SOLD TO THE BILLIONAIREWhere stories live. Discover now