CHAPTER 47

961 24 0
                                    

Chapter 47

Buhat-buhat ko si Caleb papunta sa opisina ni Casper dahil ayokong gisingin ang bata para lang dito. Napapatingin sa amin ang ibang empleyado ngunit wala na akong pakealam doon. Gusto ko lang makarating sa opisina ni Casper para maayos na makatulog ang bata.

Si Mattias ang umalalay sa akin sa taas nang makarating ako. Ito ang kumuha sa mga paper bags na bitbit ko at dinala ito sa loob ng playroom ni Caleb. I entered in Casper’s office and I made sure that I won’t wake up this little kiddo. Nang makita ako ni Casper ay mabilis itong tumayo at kinuha sa akin ang bata. Ito na mismo ang nag lagay sa bata sa malaking sofa na naroon.

“I’m sorry about this. Nakakaisorbo pa yata kami sayo.” Si Casper na napabuntong hininga matapos kumutan ang bata gamit ang coat niya.

“It’s okay. Hindi naman kayo nakakaistorbo sa akin. I actually love being with him.” I smiled.

Mukhang nagulat si Casper sa sinabi ko dahil napalingon ito sa akin. He lick his lower lip as he brush his hair using his fingers. Napa-iwas ako ng tingin at bahagyang tumikhim. 

“Thank you..” he trailed off.

Tumango ako nang hindi parin tumitingin sa kanya. Ewan ko ba pero hindi ko makayanan ang tingin niya. Kaswal naman ang pagtrato namin sa isa’t isa ngunit alam kong may iilang pagbabago na hindi ko masabi.

I want to talk to him, honestly. Ang dami kong gustong malaman pero wala ako sa posisyon para alamin ito. Kung hindi pa nga nag sabi sa akin si Caleb, hindi ko pa malalamang patay na si Lilliene.

“Are you going home right now? P’wede ka bang manatili dito at kumain kasama ako? Uhm, it’s a small token for taking care of my son.”

Napatingin ako sa kanya. Ilang ulit na napakurap sa kanyang alok at nagdadalawang-isip kung tatanggihan ko ba ito o hindi.

Pero mukhang wala naman siyang ibang gusto kundi ‘yon lang dahil napakaseryoso ng kanyang mukha. His lips thinned and averted his gaze. Napakamot ito sa noo at malalim na napabuntong hininga.

“But it’s okay if you won’t. I understand.” Bawi nito nang hindi ako makatugon.

Pinanood ko lang siyang tumalikod matapos halikan sa noo ang kanyang anak. Saka ko lang rin napansin ang mga paper bags sa kanyang mesa na alam kong pagkain ang laman.

I took a deep breath. Wala namang masama sa alok niya. He said that it’s only a small token for taking care of his son. Then alright, I’ll accept it.

“Wala naman akong sinabi na ayoko. Hindi pa ba tayo kakain?” Agaw ko sa kanyang atensyon nang magsimula siyang mag trabaho.

He looked up to me with his shocked eyes. Tipid na ngumiti ako at iminuwestra ang kamay sa center table doon.

“Shall we?” Dahan-dahan ang pag tango niya. Nauna na akong pumunta doon at naupo sa katapat na upuan kung nasaan si Caleb.

Kampante naman akong hindi magigising ang bata dahil napakahimbing ng tulog nito. I can even hear his faint snore.

“Wala ka pa bang ibang tatrabahuin? I thought you’re busy.” Saad nito nang maupo siya sa tabi ko.

I gasped and heaved a deep sigh. Alam kong malayo ang distansya naming dalawa pero ano ‘tong nararamdaman ko? Nakakagago naman.

“Kaunti na lang ang tatapusin ko. The CEO will be here soon and you will meet him eventually. Sa tingin ko ito na ang huli nating pagkikita.”

Napansin ko ang bahagya nitong pagtigil pero mayamaya ay nagpatuloy rin.

SOLD TO THE BILLIONAIREWhere stories live. Discover now