CHAPTER 48

932 30 0
                                    

Chapter 48

“He is my friend’s son. Hindi mo siya kakambal. And please Aquila, turn my phone off.” This is my first time using my strict voice and my daughter were shocked at that.

Napaamang ito sa akin at ilang ulit na napakurap pero sa huli ay sinunod naman ang utos ko. Her green eyes screams curiosity but stopping herself because I said so. Hindi ko alam na may litrato pala ako ni Caleb. Siguro ay ‘yong pinahiram ko siya ng cellphone.

“But how can you explain that, mom?” Her forehead creased. “bakit po magkamukhang-magkamukha kami? We also have the same green eyes.”

“Aquila, stop asking.” Nagsisimula na akong kabahan. Matalinong bata si Aquila kaya alam kong madali niyang malalaman ang totoo. “Go to the chair and behave. I’ll finish your food, okay?”

Hindi ko na siya hinayaan na makapagsalita at tuluyan ng tinalikuran para tapusin ang nilulutong fried rice. Narinig ko ang papalayong yabag ng bata at nang mapasulyap ako ay nasa hapag na ito.

I took a deep breath and sigh. Para akong mahihimatay sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko wala akong kawala sa aking anak kapag nalaman niya ang totoo.

I’m sure my daughter will hate me for hiding the truth.

“Here. Eat now and rest. Aayusin ko lang ang gamit mo sa loob.” Saad ko at maingat na inilapag ang mga pagkain niya.

Hinalikan ko ang tuktok ng kanyang ulo bago siya iniwan doon. Pumasok ako sa kwarto at sinimulang ayusin ang kanyang mga gamit. Now that my daughter is here, it’s too risky if I’ll take her outside. But I had no choice. Ayoko namang ikulong ang anak ko rito at hindi ipasyal.

There’s a big possibility that they will meet but I won’t let that happen. Mas bumibigat ang mga tanong ng anak ko ngayong nakita niya si Caleb. Kapag kasi ipagtatabi ang dalawa, para talaga silang magkakambal.

Kaso ayoko namang malaman nila ‘to na iisa lang ang kanilang ama. Ayokong saktan ang anak ko na lumaking naghahanap ng tunay na ama. Pero kung ikukumpara rin kay Caleb, lumaki rin itong naghahanap ng aruga ng isang ina.

Kaya naguguluhan ako. Napapagod na akong mag-isip sa kung anong dapat na gawin.

I feel like something is missing but I don’t know what is it. Nasa puso ko, sinasabi ng damdamin ko ngunit hindi mahulaan ng utak ko. Hindi ko maibuka ang bibig para masabi ‘to. Nasa dulo na ng aking dila ngunit parang may pumipigil sa aking magsalita.

Hangga’t narito ang anak ko at may malaking posibilidad na magkikita ang landas nila ng ama niya, hindi dapat ako magpakampante. Dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ni Casper kapag nalaman niyang may mga anak kami.

Tinapos ko ang ginagawa sa kuwarto at binalikan si Aquila sa kusina. Tapos na itong kumain at ang mga pinagkainan nito ay nasa sink na. My daughter is in the couch while busy with my phone.

Bumuntong hininga ako at nilapitan ito para kausapin. Mukhang nagtatampo dahil nakasimangot ang paslit.

“Akala ko ba magpapahinga ka?” Masuyo ang boses na tanong ko rito. Hinahaplos ko ang kanyang buhok habang pinapanood ito na naglalaro ng minecraft.

“Later on, mom. Pahinga po muna ako kasi busog po ako.”

I hummed and nodded. Seryoso ang anak ko na nakatutok sa phone at kilala ko siya kapag ganito kaseryoso.

“Are you mad, baby?” I asked her. Tumigil ito sa paglalaro at nilingon ako.

“I’m curious, mom, not mad. Iba po ‘yong pakiramdam ko no’ng makita ko ‘yong picture. Tell me, mom. Who is that boy? Is he really not my twin brother?” her curiosity made me swallowed hard.

SOLD TO THE BILLIONAIREWhere stories live. Discover now