CHAPTER 32

873 26 0
                                    

Chapter 32

“Sorry I’m late. Masyadong mahaba ang pila sa cr.”

Pinilit kong ngumiti ng maayos kay Casper nang maupo siya sa harapan ko. Pasimple akong sumulyap sa likuran ko pero wala na doon ang babae na kanina lang ay kausap ko pa. Her face looks familiar and her words.. it’s intriguing and confusing. Marami naman sigurong Hedy sa mundo pero ang mapagkamalan niya akong kamukha ng kapatid niya, kinakabahan ako.

Davao City is my mother’s hometown. So basically, her relatives are living here. Especially my grandma and grandpa.

Kahit isang pagkakataon ay hindi ko sila nakita o nakasama man lang. Wala nga akong kakilala na kadugo ni mama at ‘yon ang lubos na bumabagabag sa akin. Kung noon wala akong pakealam rito, ngayon gusto kong malaman kung bakit.

Bakit ayaw ni mama bumalik dito?

Mabuti nalang at dumating mayamaya ang orders namin kaya doon natuon ang atensyon ko. Mukhang hindi naman nahalata ni Casper na may bumabagabag sa akin at mabuti na rin ‘yon. I don’t want to make him worry. Sa ngayon, ako lang ang makakalutas sa katanungang bumabagabag sa akin.

Thankfully, our lunch went well and what I was thinking earlier vanished when we started to roam around the mall. Wala naman talaga sa plano na mag-ikot kami sa loob pero inaya ko siya dahil gusto kong mag sine. And he wanted that too. A movie marathon with me.

Nakakapagod din naman kasing maglakad-lakad sa malaking mall na ‘to kaya mas mabuting magpalipas na lang kami ng oras sa sine bago kami pumunta sa night market. I can’t wait to go there to be honest. 

We chose the movie of doctor strange multiverse of madness,  it’s still showing and that movie is good base on the reviews I read online. Gusto rin ‘to ni Casper kaya iyon ang pinili naming panoorin.

“Una ka na. Sunod nalang ako sa ‘yo.” Aniya nang makitang medyo mahaba ang pila sa snacks area na dadalhin namin sa loob ng cinema.

“Okay.” I nodded and before I left, he kissed my forehead.

Napangiti ako at tuluyan nang umalis saka hinanap ang seat namin sa loob. Hindi pa naman agad-agad magsisimula ang movie dahil kailangan pa namang maghintay ng ilang sandali para makapasok ang ibang manonood. 

Nasa gilid ang seat namin pero hindi naman masyadong malapit at malayo sa screen kaya ayos na ayos. Habang naghihintay kay Casper, kinalikot ko ang cellphone at bumisita sa ig na naging libangan ko na nitong mga nakaraang araw.

I have a lot of post at karamihan doon ay mga pictures na kuha niya sa akin habang nag e-explore kami. I received a lot of good comments pero hindi talaga maiiwasan ang mga taong inggetera at mahilig manira. Hindi lang ‘yon doon natatapos, talagang may nag me-message pa sa akin at sinasabing pangpalipas oras lang ako ni Casper.

Maybe before he’s like that but now? Nope. Casper already stopped doing that kind of stupid thing. He even regretted it so why bother? Masyado lang silang papansin kaya hindi ko na ine-entertain.

Those cheap moves can’t waver me.

Naisipan ko ring palitan ang wallpaper ko ng kaming dalawa. This picture was taken when we were gazing at the sunset. Naka-timer ang phone nito dahil wala namang kukuha ng litrato sa aming dalawa pero maganda naman ang kuha.

SOLD TO THE BILLIONAIREWhere stories live. Discover now