CHAPTER 38

896 30 2
                                    

Chapter 38

“Ate, sigurado ka po ba na pupunta tayong davao?”

Bumaba ang tingin ko kay Nica na nakatitig sa akin. Nakaupo siya sa kanyang kama habang ako ay inaasikaso ang kanyang gamit.

“Oo naman. ‘Di ba gustong-gusto mong makita si papa? Nandoon rin si Tita na kapatid ni mama at ang kuya Dio ninyo.”

“Pero paano po si kuya Casper, ate? Iiwan mo po ba siya dito?”

My lips thinned at her question. Pilit akong ngumiti dito dahil ayokong malaman nitong nalulungkot ako.

“Malaki na ang kuya Casper niyo. Kaya na niya ang kanyang sarili nang wala ako.”

“Pero ‘di ba po ate, kapag love po niyo ang each other, hindi kayo mag-iiwanan? Hindi niyo po ba love ang each other?” Kumunot ang noo nito at halatang naguguluhan kaya napangiti ako.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa kama saka hinawakan ang dalawa niyang kamay.

“Nica, hindi lahat ng nagmamahalan ay kailangang manatili sa tabi ng isa’t isa. Katulad ni papa, mahal niya tayo pero nagawa parin niya tayong iwan. Gano’n rin ‘tong ginagawa ko. Mahal ko ang kuya Casper niyo pero may mga bagay talaga na kailangang pakawalan lalo na kapag hindi na talaga kaya. Kapag nasasaktan na, mas mabuting lumayo at magsimula ulit.”

Tumabingi ang ulo nito at mas lalong kumunot ang noo.

“Wala po akong maintindihan, ate.”

I chuckled. Hinalikan ko ito sa noo at masuyong sinuklay ang buhok gamit ang daliri ko.

“Hindi mo pa maiintindihan sa ngayon dahil bata ka pa. Saka na kapag malaki ka na katulad ko.”

“Eh? Ang tagal pa po no’n!”

“Matuto kang mag hintay, Nica.” I smiled and pinched her nose. “now stay quiet and let me pack your things. Mayamaya nandito na rin ang ate mo.”

“Okay po.”

Bumalik na ako sa pag-impake ng gamit nila na kailangang dalhin dahil baka mamaya o bukas ay tutulak na kami papuntang davao. I already called Dio and he was so excited to meet me again. Lalong-lalo na ang mga kapatid ko na gusto niyang makasama. Sinabi ko ritong h’wag muna sabihin kela Tita at papa dahil gusto kong sorpresahin sila at sang-ayon naman siya.

“Ate! Nandito na po ako! Kasama ko si sister Rachel.”

Tumigil ako sa ginagawa at napatayo ng tuwid nang marinig ang masayang tinig ni Nicky. Inutusan ko itong tawagin si sister Rachel na gumagabay sa kanilang dalawa habang wala ako.

“Coleen! Kinagagalak kong makita ka muli.”

My smile widened. Sinalubong ko ng yakap si sister at nagmano rito bilang pag respeto.

“Masaya rin ho akong makita kayo ulit, sister. Kamusya na po kayo?”

“Aba mabuti naman sa awa ng diyos.” Ngumiti ito at bahagyang ginulo ang buhok ko. “ikaw ba? Kamusta na ang pag-aaral mo?”

“Ayos naman po. Mahirap pero kinakaya para sa mga kapatid ko.”

“’Yan ang dapat, Coleen. Sinusubok ka ng tadhana kaya h’wag kang susuko at may darating din sayong maganda. Sa ngayon, mukhang nakapag-desisyon ka ng kunin ang mga kapatid mo.” Napasulyap ito sa mga kapatid ko na nasa kama at nilalaro ang selpon ko.

Huminga ako ng malalim at napatango habang nakatingin parin sa kanila.

“Ihahatid ko sila kay papa. Gustong-gusto na nila ‘tong makita at gusto ko ring kompleto na kami. Nahanap ko na po ang pamilya ko, sister.”

SOLD TO THE BILLIONAIREWhere stories live. Discover now