CHAPTER 30

1K 28 3
                                    

Chapter 30

“Coleen? May nagpapatawag sa ‘yo sa VIP.”

Napatigil ako sa paglilista ng order sa table 14 nang lumapit si Karen para sabihin ‘yon sa akin. Ibinaba ko ang hawak na papel at bahagyang lumayo sa costumers.

“Sino raw?”

“Hindi ko alam. Pinasabi lang sa akin ni Jasmin.”

Pinagmasdan ko si Jasmin na nagbibigay ng orders sa kabilang table. Mukhang sa ka-busy nito ay pinasuyo na niya lang kay Karen.

“Sige. Ikaw muna dito.” Saad ko bago ibigay sa kanya ang papel na hawak.

Inayos ko muna ang sarili bago ako pumasok sa VIP room. Ayoko namang mag mukhang haggard habang nakaharap sa costumer. Kanina pa ako palakad-lakad sa loob at alam kong kanina pa ako pinagpapawisan kaya siniguro kong kaaya-aya ang amoy ko.

I entered the VIP room to welcome the guest but to my surprise, I only saw the familiar back of my boyfriend. Naisara ko agad ang pinto sa nakita at dahil doon ay napalingon sa akin si Casper.

“Surprise.” He said with a charming smile on his lips.

Binasa ko ang pang-ibabang labi at naglakad palapit sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso ko at mukhang may hinala na ako kung bakit siya nandito.

“Casper..” I trailed. “akala ko kailangan ko pang umabsent.”

“Well, I thought of this earlier that’s why I invited you to have a dinner with me. Alam kong may trabaho ka pero bigyan mo naman ng oras ang sarili mo. You’ve been so busy these past few days.”

I bit my lower lip. He has a point but what should I do? I needed this job for my self, for my family. Makatapos lang talaga ako sa taong ‘to, giginhawa rin ang buhay ko.

“Ayos lang, may bakasyon pa naman tayo.” I smiled. Lumapit ako sa kanya saka siya niyakap. “busy ka rin naman nitong mga nakaraang araw kaya dapat sabihan mo rin ang sarili mo.”

His hug at me tighten. “Mayakap lang kita katulad ngayon, hindi ko na kailangang mag bakasyon. As long as I’m with you, it’s more than enough.”

I bit my lower lip. Hindi ako sumagot pero hinayaan ko ang sarili na yakapin siya ng husto. I didn’t know that he will visit me here for our dinner. Akala ko nga hindi matutuloy dahil sa trabaho ko. But knowing Casper, he has its own way.

“Teka nga, paano ako makakasama sayo dito kung may trabaho pa ako?” Bahagya akong lumayo para titigan siya. Ngumiti lang siya sa akin at hinawi ang iilang hibla ng buhok na nakatabing sa noo ko.

“I asked your owner to spare your time for now. P’wede ka ng hindi bumalik sa loob, samahan mo nalang ako dito.”

Napaawang ang labi ko at bahagyang natawa. He looks like a child complaining. What an adorable boyfriend.

“Oo na. Sasamahan na kita dito hanggang mamaya.”

He smiled in triumphant. Pinatakan niya ng halik ang labi ko bago ako pakawalan dahil kailangan kong kunin ang order namin. It was a good dinner like always. Medyo matagal-tagal na rin noong huli kaming nag dinner dahil pareho kaming busy. Good thing Casper invited me for a dinner and that’s so sweet of him. Kapag may sapat siyang oras para sa ganito, hindi niya ‘to pinagdadamot sa akin. If he knows that he had an enough time, he will spend it with me.

Naging maganda naman ang mga sumunod na araw kahit panay bigay ng surprise quiz and prof namin. Nakapag-file na rin ako sa na-assign na coordinator sa pageant dahil ‘yon nalang ang sasalihan ko. Wala akong tiwala sa sarili kapag sumali ako sa kahit anong sports. The campus were busy for the upcoming sport fest. Lalo na ako na panay ang rehearse namin. Casper knew that I joined in this pageant and he’s fully supportive. Kahit noong una ay hindi pa niya gusto dahil magsusuot raw ako ng sexy.

SOLD TO THE BILLIONAIREWhere stories live. Discover now