CHAPTER 1

2.5K 82 1
                                    

Chapter 1

"Well, Coleen Andromeda, let me inform you that from now on, you are.." he lifted his hand and before I know it, his hand were now caressing my cheek. "sold to the Billionare." He whispered huskily. His gentle touch sent shivers through my whole being.

But wait, what the heck did he just said?!

Kunot ang noo na tinabig ko ang kamay nito na humahaplos sa aking pisngi at mabilis na lumayo dito. Hindi ko nagustuhan ang sinabi nito lalo na pag hawak-hawak nito sa akin. Binigyan ko ba siya ng permiso? Hindi. At ano bang pinagsasabi niya? Baliw ba siya?

"Akala ko pa naman seryoso ang sasabihin mo sa akin kaya ako pumunta dito. With all due respect sir, I don't believe you. I don't know you at wala akong naaalala na may atraso ako sayo para sabihin sa 'kin ang bagay na 'yan. Ngayon, p'wede na ba akong umalis para makapagtrabaho? Kung wala na ho kayong sasabihin."

Ngumisi lang ito at umayos ng tayo. Nakapamulsang humarap sa akin at dahil sa ginawa niya ay muli kong nasilayan ang kanyang berde na mga mata.

"I know you won't believe me that's why I suggest that you should talk to your father. Tomorrow, I'll fetch you so ready your stuff." He shrugged and raked a hot stare at my body. Napayakap tuloy ako sa sarili dahil sa tingin nito. "Not bad." Sambit nito bago lumabas sa naturang silid.

Napahugot ako ng malalim na hininga at maingat itong pinakawalan. Pasimpleng minasahe ang sentido nang bigla itong pumintig sa sakit. Seryoso ba talaga ang lalaking 'yon? Wala akong mabasang pagbibiro sa kanyang mukha kaya sa tingin ko seryoso nga.

I sighed and shook my head unbelievably.

"Tanga lang ang maniniwala sa kanya. Sino namang magbe-benta sa akin.." I stopped. "oh god. H'wag niyang sabihing si Tatay?"

Bigla akong pinagpawisan ng malamig bago dire-diretsong lumabas ng kwarto. Nagbabakasakaling maabutan siya pero hindi ko na siya nakita sa dami ng tao sa pub. Mahinang napamura nalang ako at akmang babalik sa taas para tanungin si madam nang makasalubong ko ang kasama ko.

"Coleen, tapos ka ng makipag-usap kay madam? Balik ka na sa trabaho. Maraming tao ngayon sa pub dahil weekend."

Tumango na lamang ako at hindi na nagpumilit.

"Sige. Salamat."

Mabilis ang naging kilos ko at pilit kinalimutan ang sinabi ng lalaking 'yon. May oras pa naman ako mamaya para kausapin si madam tungkol doon sa kumausap sa akin. Ayoko mang isipin masyado pero, may katotohanan ba ang sinabi nito? Hindi naman siguro ako ibe-benta ng sarili kong ama, hindi ba?

Napapikit na lamang ako at inabala ang sarili nang mas lalong dumami ang tao. Good thing I got distracted and I fucos in my job. Mahirap kumilos pero dahil sanay na ay sisiw na ito para sa akin. Hindi ko rin nakakalimutang ngumiti sa mga customers na isa sa palaging paalala ni madam sa aming lahat. Hindi man maiwasan ang mga taong bastos na tumitingin sa amin ay hindi naman kami p'wedeng mag reklamo. Ngunit kapag pisikal na kaming binastos, ibang usapan na 'yon.

"Coleen! Table 18!"

Mabilis ang naging kilos ko para puntahan si Jasmine at kunin ang tray na hawak nito. Kapagkuwan ay tinungo ang table 18 para ibigay ang inorder nila.

"Here's your order, sirs." I said with a smile and slowly lifted their orders and place it on the table.

"Thank you, Miss."

Ngumiti lang ako pero hindi ako napatingin sa gawi nito kahit alam kong nakatingin ito sa akin. Naiilang ako sa kanilang tingin pero kailangan kong mag tiis lalo pa't ito ang trabaho ko. Pasensya ang kailangan ko, mahabang-mahabang pasensya.

SOLD TO THE BILLIONAIREWhere stories live. Discover now