CHAPTER 2

2.3K 69 0
                                    

Chapter 2

PLAYBOY.

Iyon agad ang pumasok sa isip ko nang sabihin niya 'yon at iwan ako doong natigilan at hindi makapaniwala. Bakit pa nga ba ako magugulat? Itsura palang niya halata naman talaga. Baka nga tinanggap niya lang ako dahil gusto niyang isa ako sa magiging babae niya.

Hell.. no?

I mean, well, he's handsome and downright gorgeous. Nakaka-akit ang berde nitong mata at typical type ko ang tangkad niya but, nope. Hindi ako mahuhulog sa bitag ng lalaking 'yon. Alam ko namang hindi siya seryoso sa bagay na 'yon kaya hinding-hindi talaga p'wede. He looks like a casanova. That's it, red flag na agad. Ekis na.

Napailing-iling nalang ako bago sumunod dito bitbit ang mga gamit ko. Kinausap ko na ang mga kapatid ko at himalang ayos lang sa kanila na umalis ako. Oo, nakakalungkot na malayo ako sa kanila at hindi ko magawang alagaan ng personal pero itong ginagawa ko, para ito sa kapakanan nila. Na sana gawin ng lalaking 'yon ang pakiusap ko sa kanya.

"Already done?"

Naabutan ko siyang nakasandal sa magarang kotse na alam kong sa kanya. Itinikom ko ang bibig at mariing napalunok sa nakita.

"Oo. Hindi ko nga lang nakausap si Tatay dahil wala siya dito."

He shrugged. "I'm sure he's busy buying stuffs right now. I already gave him the credit card where the money is. Ayoko namang i-cash at alam kong mananakawan lang siya."

I moistened my lips and ask.

"M-Magkano?" Sambit ko sa mahinang boses.

Gusto kong malaman kung magkano ako. Nakakatawang pakinggan pero walang nakakatawa doon. Madaling sabihin pero mahirap tanggapin lalo pa't sarili kong ama ang nag benta sa akin. Sinong.. sinong ama naman kasi ang ibebenta ang sariling anak? Si Tatay lang.

"Hmm. Let's say you're worth it." He said and tap his car. "hop in. Let me help you with that things."

Bumaba ang tingin ko sa aking kamay na bitbit ang hindi kalakihang bag. Handa na sana akong tumanggi para ipaalam na kaya ko nang kunin niya ito sa aking kamay pati na rin ang sukbit kong back pack.

"Their stares are a little but uncomfortable, yeah?" Bulong niya malapit sa tainga ko bago umalis.

Nanindig ang balahibo ko sa ginawa niya kapagkuwan ay ipinalibot ang tingin sa paligid. Napangiwi nalang ako nang makitang halos lahat ng kapitbahay namin ay nakatingin sa akin. O mas tamang sabihin na nakiki-usisa sa amin.

"Let's go."

Nauna pa itong pumasok sa kotse at napairap nalang ako bago umikot patungo sa passenger seat at sumakay. He maneuvered the car after I get in and buckled my seatbelt. Sa labas lang ako nakatingin at alam kong iba na naman ang tumatakbo sa utak ng mga marites dito sa lugar namin.

But who cares? Isipin na nila kung ano ang isipin nila. Sabihin na nila kung ano ang gusto nilang sabihin. Kahit masakit sa pagkatao, ayos lang. Wala naman silang alam sa takbo ng buhay ko. Walang silang ideya kung ano ang hirap na dinanas ko.

"Actually, I don't know what to do with you."

Kunot noong nilingon ko si Casper. Hindi makapaniwala sa sinabi niya at muntik pang matawa ng pagak.

"Are you a joke?"

"No. I'm serious." His lips thinned. Humigpit ang hawak niya sa manibela dahilan para magsilabasan ang ugat niya sa braso.

Shit..

"Edi sana hindi mo nalang ako kinuha!"

"And then what? Let you live like that even I already payed? That's absurd."

SOLD TO THE BILLIONAIREWhere stories live. Discover now