CHAPTER 5

1.8K 52 0
                                    

Chapter 5

I've never been happy again after my mother died in a car accident. Sa pagkawala niya, parang pati kasiyahan ko ay nawala rin. 'Yong rason ko para maging masaya ay isinama niya sa pagkawala niya. Hanggang ngayon mahirap parin tanggapin pero 'yon lang naman ang tanging paraan para kalimutan lahat ng nangyari.

Happiness is a choice. Iyon ang pinaniniwalaan ko dahil sa araw-araw na hamon sa buhay ko ay mas pinipili kong maging masaya at malaya. 'Yong tipong wala akong problema at iniisip na iba kundi sarili ko. But reality always slaps you hard. Sa mga nagdaang taon, nasanay na rin ako at mas piniling sumabay nalang sa agos ng buhay at naghihintay kung may magbabago.

My sisters were the reason why I always keep sane and happy. Sila 'yong rason ko kung bakit nagawa ko paring maging masaya. Sila 'yong rason kung bakit nasa tamang pag-iisip pa ako ngayon. Kahit hindi ko maibigay sa kanila ang lahat, ramdam ko parin ang pagmamahal nila. Kahit pakiramdam ko wala akong magawa sa kanila, nasa tabi ko parin sila. Hindi ako iniiwan.

Kaya ang makita sila ngayong masaya, nag e-enjoy kasama ang estrangherong kakilala pa lang nila ay nagbibigay kasiyahan na rin sa akin. Seeing them happily enjoying the stores in the Mall with Casper makes my heart beat erratically. This is wrong, right? Sobrang mali 'tong ginagawa ko pero heto ako ngayon, pinapanood silang mag ikot-ikot.

"Ate! Bilisan mo po!" Kumaway sa akin si Nicky habang nakahawak sa kamay ni Casper na abala sa pakikipag-usap kay Veronica.

"H'wag kang sumigaw, Nicky. Maraming tao."

Ngumuso ito kapagkuwan ay napahagikhik.

"Okay po."

Ngumiti lamang ako at sumunod sa kanila na pumasok sa isang kainan. Halos lumuwa naman ang mata ko nang maalala na wala akong pambayad para sa mamahaling kainan na 'to!

"Teka! Casper!"

Tinakbo ko ang distansya namin nang makapasok sila ng tuluyan sa resto. Inis na napapikit ako at nagmamartsang lumapit sa kanya.

"Casper." Tawag ko at nilingon niya ako na may ngiti sa labi. Ang berde niyang mata ay nakikisabay rin sa kasiyahan niya.

"Hmm? Are you hungry?"

Umiling ako. "No. P'wedeng sa ibang kainan nalang tayo kumain? Wala akong pambayad dito. Mukhang mamahalin."

"Oh, is that so?" Walang pakealam na kumindat lang siya sa akin. "don't worry, it's my treat. Kaya umupo ka na at nang makakain na tayo."

Napanganga ako sa sinabi niya at hindi agad nakapagsalita. Kinuha niya ang pagkakataon na 'yon na lumayo para maghanap ng mauupuan. I massaged my temple. Sumasakit ang ulo ko sa ginagawa niya pero hindi lang 'yon ang rason! Masyado na akong naguguluhan sa pinapakita niya. Ayokong sabihin na gusto lang niyang maging mabait sa harap ng mga kapatid ko dahil imposible. Hindi ko 'yon paniniwalaan.

I admit that Casper is a bad news. Really, really bad. Kaso kaya ko ba siyang tanggihan kung ganito ang pakikitungo niya sa amin? Malaking tulong ang naibigay niya sa 'min. Ginawan niya ng paraan para tanggapin ang dalawa kong kapatid sa orphanage habang ako, hinayaan niya lang magtrabaho ng gawaing bahay.

I mean, it's too much. Mali man ang ginawa niyang pagbili sa akin pero kaya ko 'yong kalimutan kung ganito lang naman pala ang pakikitungo niya sa akin. Sa amin.

"Ate, ang bait-bait po ni manong Casper noh?" Bulong sa akin ni Veronica para hindi siya marinig ni Casper na nakikipag-usap sa waiter.

Nilingon ko ito at nakangiting pinisil ang maliit nitong ilong.

"Tigilan mo na kakatawag sa kanya ng manong Casper, ayaw mo ba sa kuya Casper?"

"Hmm, gusto po."

"See?" I caressed her hair. "mas maganda kung tawagin mo siyang kuya dahil mas maganda pakinggan sa kanya. At oo, mabait ang kuya Casper mo."

SOLD TO THE BILLIONAIREWhere stories live. Discover now