CHAPTER 40

983 26 1
                                    

Chapter 40

Ang nagmamadaling si Tito Niel ang naabutan ko isang araw matapos bumaba galing sa kwarto. Pababa ito ng hagdan at bakas sa mukha ang pagmamadali na kahit ako ay hindi na niya napansin.

My forehead creased and instead of bothering him, I just let him. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero pati ang mga kasambahay ay mabibilis ang kilos sa hindi ko alam na dahilan. Papasok ako sa kusina nang mapansin ang mga medics na pumasok sa bahay at sa unahan nito ay si Tito. Papunta sila sa pangalawang palapag ng bahay at doon ay hindi ko na mapigilang magtanong.

“Ano pong nangyayari?” Tanong ko sa isang kasambahay na kalalabas lang galing kusina. 

“Naku, ma’am. H’wag ho kayong magugulat hah?” Pati boses nito ay bakas ang kaba. “bawal pa ho naman sa inyo ang ma-stress.”

“Sasabihin niyo po ba sa akin o hindi?” I’m starting to be impatient. Ang lakas ng kabog ng dibdin ko. “ate?”

“Kasi po, ma’am. ‘Yong Tatay niyo inatake sa puso.” she stated.

Hindi ako nakagalaw sa sinabi niya at napahawak sa tiyan habang humihinga ng malalim. She assisted me when I almost fall. I was struck by something at the shocking news! Bakit wala man lang nagsabi sa akin sa nangyari sa ama ko?!

“I-I.. I need to go there..”

“Dito lang kayo ma’am. H’wag na ho kayong umakyat at baka mapano po kayo. Tumawag naman po agad ng ambulansya si ma’am Helda kaya sigurado po akong magiging maayos rin si sir Chito.”

I shook my head. Pilit kong kumawala sa hawak niya pero masyado akong nanghihina. I felt like something stole my strength. My breathing is now uneven and I don’t know what to think anymore. Iba’t ibang senaryo na ang pumapasok sa isip ko.

“P-Pero kailangan ako—” my words were cut off when I saw the medics coming out from my father’s room.

Napahawak ako sa pader habang titig na titig kay papa na nakahiha sa stretcher. Walang malay at sobrang putla. Something is also on his mouth to give him enough oxygen. Hindi ako eksperto pagdating dito pero naiintindihan ko ang sitwasyon niya.

No.. don’t.. please. Don’t take my father away from us. Don’t..

“Ma’am!”

Tuluyan nang nanghina ang tuhod ko at napaluhod sa semento. My eyes became blurry and I found my self calling my father. Marami na ring nakaalalay sa akin ngunit ang atensyon ko ay nandoon kay papa. Nahihirapan sa paghinga at lumalaban para mabuhay.

“Insan!”

Dumating si Dio at inalalayan ako patayo ngunit ang tingin ko ay nasa papalayong ambulansya. I cried even harder and clutch at my cousin and weep in his arms. Hindi ko alam kung gaano ako katagal umiyak sa kanya pero matiyaga niya akong pinatahan at hinahagod ang likod ko.

“S-Si.. papa. Magiging m-maayos siya ‘di ba?” I said with my cracked voice. Napahawak ako sa tiyan ko nang maramdaman ang pagsipa nang dalawa.

“Of course he will. Tito Chito is brave and I know he’ll be okay. Magiging maayos ang lahat, insan.”

I nodded. Pilit kong kinukumbinsi ang sarili na magiging maayos rin ang lahat ngunit ang luha ko’y hindi matigil sa pagbuhos. I just can’t get rid off what I saw earlier. My father.. he’s suffering.

“B-Bakit hindi niyo sinabi sa akin na may s-sakit si papa?” nanghihinang umalis ako sa yakap para titigan siya.

Napuno ng pagsisisi at lungkot ang mata ni Dio habang umiling-iling sa akin.

SOLD TO THE BILLIONAIREWhere stories live. Discover now