CHAPTER 24

930 27 0
                                    

Chapter 24

Nakapameywang ako habang nakatingin sa mga damit na nakalatag sa kama. Wala akong ideya kung ano ang susuotin para magmukhang presentable sa harap ni Casper. Kahit alam ko namang presentable ako sa kahit anong damit, hindi parin ako komportable at gusto kong maganda ako sa paningin niya.

Char.

Naka-panty at bra pa ako na kinuha ang cellphone para tawagan si Juls at manghingi ng payo dito kung ano ang p'wede kong suotin. Naka-ilang ring hanggang sagutin niya ito. Ilang araw na rin kaming hindi nagkikita at nami-miss ko na siya.

"Hello, bakla. Busy ka ba?" Bungad ko sa kanya saka naupo sa gilid ng kama.

"Hindi naman. May kailangan ka?"

Natawa ako sa mataray niyang boses pero alam ko ang totoo.

"Anong magandang suotin kapag gusto mong sorpresahin ang boyfriend mo?"

Ilang sandali na hindi siya nagsalita hanggang marinig ko ang kanyang boses.

"Wala akong boyfriend gaga. Kaya hindi ko alam."

Napasimangot ako.

"'Langya ka talaga. Ito nalang, anong magandang suotin para magmukha akong maganda sa harap ng boyfriend ko?"

"Mag T-back ka." Mabilis niyang sagot at nakatanggap siya ng sunod-sunod na mura galing sa akin.

"Seryoso ako!" Tili ko at napahiga sa kama. Nag-iinit ang pisngi ko sa sinabi niya. "umayos ka nga."

"Maayos naman 'yong sinabi ko, shunga! Alam mo kasi bakla, kung gusto mo talagang magpaganda sa harap ng bf mo, then why not mag t-back ka. Pang-loob na damit lang naman 'yan. Kaya kung may churva-churva na mangyayari, edi wala ng sagabal! Tsaka pick a decent dress. 'Yong bagay na bagay sayo na magiging speechless ang boyfriend mo."

Napakagat ako sa sariling labi habang pinapakinggan ang sinabi niya. Mukhang maling desisyon yata na siya ang tawagan ko patungkol dito. Sana pala si Rozel nalang o kaya si Karen. Mas mukhang maganda pa ang sasabihin nila sa 'kin.

"Well, kung gusto mo lang din naman. Pero kung ako ikaw, gora na ako. Ano bang okasyon diyan at gusto mong magpaganda? May date kayo?"

"H-Hindi. Birthday niya kasi bukas kaya gusto kong mag celebrate ng advance dahil alam kong magiging busy siya bukas."

"Hmm, ayaw mong maka-score?"

Napapikit ako at minura na naman siya. Napahalakgak ang gaga sa kabilang linya at mukhang nag-eenjoy talaga sa reaksyon ko kaya binabaan ko na ng telepono. Mabilaukan sana siya!

Humugot ako ng malalim na hininga at marahas itong pinakawalan. Walang lakas na binaba ko ang cellphone sa bedside table at napatitig sa kisame.

"What to do?" I whispered hopelessly.

Para akong timang doon na nakatulala hanggang mapagdesisyonan kong tumayo at halungkatin ang closet ko. Bahala na, pang-loob na suot lang naman 'yon.

Nang makita ang pakay ko, halos isubsob ko na ang mukha sa unan dahil sa sobrang kahihiyan. Ang kapal ng mukha ko ay tinodo ko na at sinuot ito. It was a gift from my old friend before but I never use it until now.

Bahala na talaga!

Mabilis ang naging kilos ko nang makita kung anong oras na. Tapos na akong magluto at mayamaya lang ay uuwi na si Casper. But before that, I should text him that I'm here. Baka magtaka siya kapag pumunta siya kina Michelle at wala siyang naabutang Coleen.

SOLD TO THE BILLIONAIREWhere stories live. Discover now