CHAPTER 22

1K 30 0
                                    

Chapter 22

"So, kita-kits nalang bukas? Aasahan ko kayo sa bahay ah?"

Tumango kaming lahat kay Michelle nang ipaalala niya muli sa amin ang usapan na mag group study sa kanilang bahay. Si Fe, Jim, Onyx, Michelle, at ako ang magka-grupo at inaasahan naming lahat na matatapos ang powerpoint presentation namin bukas. Bukod kasi dito, next week na rin ang defense namin at pagkatapos no'n, wala na. Maghihintay nalang kami sa ibang performances na ibibigay sa amin ng mga subject teachers namin. Bukod dito, may inaasahan pa kaming internship pero sa fourth semester pa naman ito kaya malayo pa.

"Sigurado ka bang ayaw mong ihatid kita pauwi? Baka gabihin tayo sa gagawin nating reports." Saad ni Onyx habang inililigpit ko ang mga gamit dahil kakatapos lang ng klase namin.

Napag-usapan kasi namin na alas tres kami pupunta sa bahay nina Michelle dahil ang iba ay busy rin sa ibang gawain. Ako naman ay nakapag-file na ng leave kay madam para bukas.

"Salamat Onyx pero may susundo na rin sa akin." Nginitian ko ito. Naa-appreciate ko ang alok nito sa akin pero ayoko namang magtampo na naman si Casper.

"A boyfriend?" He asked, a teasing smile etched to his lips.

Nakangusong tumango ako at mabilis na nag-iwas ng tingin nang mag-init ang magkabila kong pisngi.

Mahina naman itong natawa kaya sinamaan ko na ng tingin.

"Chill, nagtatanong lang naman." He chuckled. "your boyfriend must be lucky to have you."

Nawala ang talim ng tingin ko dito at nag-iwas ng tingin sa kanyang sinabi. I then remembered everything happen to us in the past few days. It was an upside down experience and I'm still confused.

"We're both lucky to have each other." Puna ko sa kanyang sinabi at malambing na ngumiti. "That's why I love him."

"That explains why." Napangiti ito. "sa bagay, kung ako ang boyfriend mo, hindi ko rin hahayaan na may ibang maghahatid sayo. Kaya naiintindihan ko ang boyfriend mo."

Napatango nalang ako dahil may punto naman ang kanyang sinabi.

"Kung alam mo lang, ayaw niyang pinagco-commute ako at sumakay sa iba maliban nalang kapag pinapasundo niya ako sa company driver niya. He's too territorial but he knows his limits."

"Mahal na mahal ka siguro kaya ka higpit na binabakuran." Komento niya at hindi agad ako nakasagot dito. "If someone treasure you like he does, don't let it slipped your hand. Mauna na ako sa 'yo." Tinapik niya ang balikat ko bago lumabas ng classroom at iniwan ako doong natigilan.

Ako nalang ang naiwan sa loob ng room dahil kanina pa nakalabas ang mga kaklase ko. Humugot ako ng malalim na buntong hininga bago isinukbit ang bag at kinipkip ang libro saka lumabas sa room.

What Onyx said, I don't think I can believe it fully. I know I can feel it towards Casper's acts but I can't be sure if he loves me. Action without words is meaningless. That's why I'll wait. I will wait until I hear it from him.

Maraming bumabagabag sa isip ko nitong nakaraang araw at isa na doon ang nakita ko sa parking lot na sariwang-sariwa parin sa isip ko. Natatakot akong tanungin si Casper tungkol doon at ayoko 'yong ungkatin. Pero, karapatan ko namang malaman 'di ba? I'm his girlfriend, of course I have the previlage to ask him such things. Pinag-o-overthink ako sa nakita ko.

Abala si Casper nitong nakaraang araw dahil dumating na ang barko na binili niya. Iyon ang sadya ni Tita nang tawagan niya ako at mukhang wala siya ngayon sa kompanya dahil chini-check niya ito. I don't know where that ship is but I know Casper is not in his company.

SOLD TO THE BILLIONAIREWhere stories live. Discover now